Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

BASTA NASA DROGA, SIBAK KAY ERAP

$
0
0

ROMMEL Santos, Randy Luangco, Marcelo Tinao, John Lennon Dalisay, at Enrico Dalisay. Ito ang mga miyembro ng Manila Traffic and Parking Bureau Noong Lunes na sinibak ni Pangulong-Mayor Joseph Estrada dahil sa napatunayang adik ang mga ito.

Sumalang ang mga ito sa drug test noong nakaraang buwan at sinundan ito ng confirmatory test na nagsasabing gumagamit nga ang mga ito ng droga. Pawang mga job order umano ang mga ito at walang natanggap na anomang benepisyo ang mga ito sa kanilang pagkakatanggal sa trabaho.

Bagama’t nagpositibo ang mga ito sa droga, hindi na sila sinampahan ng kaso ng pamahalaang Maynila.

Kung iisipin, pupwedeng sampahan ang mga ito ng kaso sa droga, lalo na ang paggamit nito. Kasong pang-user ang dapat para sa kanila.

Para sa atin, tama lang ang ginawa ni Pang. Mayor Erap.

Magkagayunman, kung interesado ang ibang ahensya ng pamahalaan na subaybayan ang lima, aba, maganda. Anong malay natin kung sangkot ang mga ito sa mas grabeng kaso sa droga gaya ng pagtutulak.

Sa kanilang kaso, user lamang para sa city hall. Pero para sa iba, ang user ay nagsisilbi ring tulak at mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nagsasabi nito.

Normal na kasing nagaganap na kung isang adik ang tao sa droga, nauutusan o nagboboluntaryo na rin itong maghatid ng droga sa iba.
Maaaring may bayad o wala ang kanyang paghahatid ng droga mula sa mga suplayer o nagpapakalat ng droga.

Naalala ko rin, baka nanggagaling sa hanay ng mga adik sa droga ang mga mahilig na magtago sa ilalim ng tulay o puno pader o kaya’y sinasadya ang panghuhuli para sila kumita.

Palibhasa, may inaalagaan silang mga bisyo, lalo na ang droga, na kinakailagan talagang pagkagastusan ng mahal. Magkano ba, halimbawa, ang babayaran mo sa tingi sa mga session pot at makiki-share lang sa singhutan ng shabu?

Sa kabila ng kanilang pagkakasibak, sana maging leksyon na rin sa lima ang pangyayari. Sana, magbago na sila at hindi na sila masasangkot sa droga. PAKUROT/LEA BOTONES


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Lagarto para colorear


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Love Quotes Tagalog



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>