Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

DAPAT I-DECRIMINALIZE ANG LIBEL

$
0
0

MAGANDA ang layunin ni Senator Grace Poe hinggil sa muling pagpapatibay sa panukalang batas upang proteksyunan ang lahat ng miyembro ng media hindi lang sa print kundi maging sa broadcast at online laban sa paglalabas ng “source” ng mga mamamahayag, lalo na ang may kinalaman sa katiwalian.

Sabi pa ni Poe, layunin ng Senate Bill No.1255 na amyendahan ang 70 taong batas na Sotto o Shield Law na tanging ang mediamen sa print o diaryo lang ang pinoprotektahan at hindi kasama ang mga nasa radyo, telebisyon at online.

Sa panukalang batas, hindi maaring pilitin ng sinoman ang miyembro ng media na sabihin ang kani-kanilang source sa mga nalathalang balita o banat maliban na lamang kung sangkot ang pambansang seguridad na tutukuyin ng korte o Kongreso.

Maganda ang batas na ito pero para sa akin ay tila may butas ang batas na ito dahil wala pa ring kaprote-proteksyon ang mediamen. Gaya ko na may mga kasong libelo na kung natalo ay maparurusahan ng pagkabilango, wala pa ring silbi ang Sotto Law na may amyenda.

Dapat na kakakambal ‘yan ng “decriminalization” ng libelo. Kung hindi, mananatili pang sikil ang kalayaan sa pamamahayag. Ang masakit, natutulog nang mahimbing at naghihilik pa panukalang batas na ‘yan sa Senado at nababalewala ang panukala mismo ni Senate President Koko Pimentel na decriminalization ng libel.

Diyos kong mahabagin, hindi lang natutulog ang panukala kundi naghihingalo sa Senado o baka dead-on-arrival o on the spot pa nga ito.

Kapag idinemanda ka ng libel ng binanatan mo, asahan mong nakatali na ang dalawa mong kamay at nakapiring na ang ‘yung mga mata hanggang hindi matapos ang kaso. Hindi mo na siya mababanatan dahil kada banat mo ay dagdag na kasong libel ang ihahain sa iyo.

Kaya Madam Sen. Poe, yaman din lang na kayo ang chairman ng Senate committee on Public Information and mass media, bakit hindi ninyo isabay ang decriminalization sa amyenda sa Sotto Law?

Matanong nga natin si Senate President Senator Koko Pimentel. Hindi natutulog sa pansitan ito? He…he..he!

NAKASANDAL SA PADER ANG BUKISAN

Hindi pa rin tumitigil sa pag-o-operate ng bookies ng Small Town Lottery “STL Queen” na si Ma’mang ng Brgy. Luzviminda, Dasmariñas, Cavite.

Mukhang pinoproteksyunan ng mga tauhan ni COP Supt. Rodolfo Hernandez ang nasabing STL Queen at nagmamamam ang mga ito sa reyna ng sugalan.

oOo
Anomang puna o reklamo ay i-text sa 09189274764,09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Best Papa jack Love Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Inggit Quotes and Taray Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>