Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

IHANDA, ‘WAG IPAGLIHIM SA TAUMBAYAN ANG TERORISMO

$
0
0

SA halip na itago o kaya’y sabihin na unverified ang mga ulat ukol sa posibleng terorismo sa Kamaynilaaan at iba pang lugar, mas magandang ihanda nang husto ng mga awtoridad ang mga mamamayan ukol sa usapin.

Sa huling punto luminya mismo si PNP Director General Roland ‘Batop’ dela Rosa na kaiba sa kanyang mga subordinate.

Sumabog na umano ang isyu at kailangang harapin at magbantay ang mga pulis dahil hindi naman umano imposible na mapasok at gumawa ng karahasan ang mga terorista kahit sa Metro Manila.

Kaugnay ito ng naiulat na aksyon ng Valenzuela Police na dapat dapat magbantay ang mga miyembro nito laban sa terorismo.

MAYNILA, QC AT MAKATI

Nakasaan sa memorandum na maging alerto ang mga pulis-Valenzuela sa posibleng pambobomba ng mga terorista sa mga matataong lugar, lalo na sa mga mall sa quezon City, Manila at Makati.

Nasa 14 miyembro umano ng Maute Group ang posibleng magsagawa ng mga pambobomba kaya, para sa Valenzuela Police, dapat na silang maging mapagbantay.

At lahat na ng mga precinct commander ay dapat na kumilos para rito.

FUEL TANKER GAGAMITIN

Ang Aviation Security Group ng Philippine National Police na nakatalaga sa kabuuang Manila International Airport Authority naman ay naghahanda na sa natatanggap nilang ulat ukol sa balakin ng mga terorista na mambomba sa Hunyo 30 sa mga matataong lugar.

Kabilang sa mga matataong lugar ang simbahan at mall.

Maaaring gumamit umano ang mga terorista ng mga truck ng gasolina bilang bomba mismo, bukod pa sa mga talagang bomba.

Pinaghahanda na rin umano ang lahat ng AVSEGROUP sa lahat ng paliparan sa bansa ukol dito.

Sabi ng sangay na ito PNP, ang mga Maute Group at Bangsamoro Islamic Freeedom Fighters ang maaaring gumawa ng mga kaguluhan at pagpatay.

Eh, sino ba naman ang hindi magugulo at mapapatay kung gagamit ang mga terorista ng mga bomba at trak ng gasolina na gagawin nilang bomba?

LAHAT NG KLASE

Kung iisipin, mga Bro, nakatatakot ang ginagawa ng mga terorista.

Sa Marawi City, ang mga tangke ng liquified petroleum gas ay ginagamit nang pambomba o booby trap.

Nilalagyan ang mga ito ng mga pampasabog na kapag nahila o nasagi mo ang mga nakakabit dito ay sasabog.

Sa ibang bansa, pati mga rice cooker, laptop at iba pa ay kino-convert na bomba. At ang mga trak, van, kotse ay ginagawa na ring pang-araro sa mga tao.

Trak ang ginamit noong Pasli sa Berlin at mga van ang ginamit sa London bombings nitong nakaraang mga araw at linggo.

Walang pinatatawad ang mga ito, maging ang kanilang mga mosue, gaya ng sa Mosul City sa Iraq ay pinasasabog din.

Ang mga eroplano, tren, bus at iba pa ay binobomba.

Isa pa, inaatake mismo ang mga kapwa nila Muslim at pinipilit ang mga Kristiyano na maghiganti upang sisiklab ang religious war na binabansagan nilang jihad.

MAS MAGANDA

Gaya ng sinasabi na mismo ni General Bato, andiyan na ang pagkakabunyag ng sikreto na komunikasyon ng mga pulis, at maging ng mga sundalo ukol sa terorismo.

Sa halip na magsisihan o parusahan ang mga nagkamali sa pag-leak o paglabas sa media ng memorandum ng paghahanda, mas magandang ipaghanda na pati ang mga mamamayan para makatulong ang mga ito.

Kapag may nangyari kasi na pawang mga sikreto ang lahat, baka sisihin pa ng mga mamamayan ang gobyerno at isang sisihan na naman ito.

HIGIT NA MAGANDA

Ang totoo, hindi naman talaga sikreto ang galaw ng mga terorista sa Metro Manila at sa iba pang lugar, kung pagbabatayan ang mga nagaganap.

Terorista ang nambomba noon sa LRT train sa Bluementritt Station at ang mga nagsagawa ng mga kaugnay na pambobomba sa Makati, EDSA noon.

Mga terorista rin ang nagpalubog sa SuperFerry 14 sa bukan ng Laguna de Bay mula sa pantalan ng Maynila.

May hinuli ring nagtanim ng bomba sa US Embassy. Sa paliparan din naharang ang isang Pakistani na tauhan ni Bin Laden nito lamang Pebrero.

Ang higit na maganda ay ihanda ang mga mamamayan kung paano haharap sa terorismo.

Hindi ‘yung tulad ng nangyari sa Resorts World Manila na may sumigaw lang ng ISIS ukol kay Jesse Carlos ay natakot na ang lahat nang hindi na nakapag-isip pa kung ano-ano ang mga posible nilang gawin para lumaban o tumakas nang maaayos mula sa pagkakapinsala.

Hayon, 37 na mamamayan ang namatay nang walang kahanda-handa sa katulad ng terorismo.

oOo
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o sa 09214303333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>