Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MASAHOL PA SA HAYOP

$
0
0

PAANO nga ba natin mailalarawan ang kalupitan na nagawa ng mga suspek sa pagmasaker sa isang pamilya sa Bulacan na ikinasawi ng limang tao?

Nang umuwi ang security guard na si Dexter Carlos sa San Jose del Monte, Bulacan ay binalot ito ng hilakbot nang makita ang hubad at walang buhay na katawan ng asawang si Estrella sa labas ng kanilang tahanan.

Ang kanyang biyenan na si Aurora ay patay na at bahagya ring nahubaran ng kasuotan sa loob ng kanilang tahanan.

Lalo pang gumuho ang kanyang mundo nang matagpuang patay sa isang silid ang tatlong paslit na anak na sina Donny, 11; Ella na edad pito; at Dexter Jr. na isang-taong gulang lamang.

Sumuko sa mga awtoridad ang construction worker na si Carmelino Ibañez at inamin na ginahasa niya ang dalawa sa limang tao na pinaslang nila ng mga kasabwat na sina alyas “Tony” at “Inggo.”

Nasa impluwensya raw sila ng droga at alak nang gawin ang krimen.

Kusa raw siyang sumuko dahil pinagsisisihan niya ang nagawang krimen at umaasang mapatatawad siya ng pamilya ng mga biktima.

Pero ang lalong nakapupuno ng dugo ay ang pahayag ni Ibañez sa mga awtoridad na parang balewala ang kanilang nagawa: “Wala lang, parang trip-trip lang. Naisipan lang pasukin”.

Naisipan lamang din umano niyang gahasain sina Estrella at Aurora at biglaan lang ito.

Bagaman umamin ang suspek na nagdroga sila ng kanyang mga kasabwat ay nakagugulat na negatibo ito nang isailalim sa drug test.

Ang pananaw ni Public Attorneys Office (PAO) Chief Attorney Persida Acosta ay hindi raw magagawa ng isang tao na pumatay ng isang taon gulang at manaksak nang 45 ulit kung hindi ito bangag sa droga.

Naniniwala ang Firing Line na kung hindi man nasa impluwensya ng droga ang suspek ay may posibilidad na naburyong ito at may tama na sa utak dahil sa labis na paggamit ng shabu.

Magulo talaga ang isipan ni Ibañez dahil sa opisyal na pag-amin sa karumal-dumal na krimen ay itinanggi niya ang nagawang panghahalay.

Ang isang kasabwat na si alyas Tony ay nahuli na rin samantalang ang pangatlong suspek ay pinaghahanap pa.

Hustisya ang inaapila ni Carlos kay President Duterte.

Ang mga suspek sa pagmasaker sa kanyang pamilya ang una umanong dapat bitayin kapag naibalik ang parusang kamatayan.

Masahol pa sa hayop ang krimen na ginawa sa kanyang pamilya. Magagawa bang kuwestyunin ng sinoman kung bakit hangad ni Carlos na maibalik ang death penalty?

***
SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksyon, mag-email sa firingline@ymail.com o mag-tweet sa @Side_View. FIRING LINE/ROBERT ROQUE, JR.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Best Papa jack Love Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


Inggit Quotes and Taray Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>