Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

LIM VS MGA SAGABAL SA KALSADA

$
0
0

MULA nang mapiling bagong Metropolitan Manila Development Authority chairman si ex. General Danny Lim, hindi pa man ay kinakikitaan na ng nagawang kapaki-pakinabang ng taumbayan.

Kabilang sa mga sinimulan na ayusin ni Chairman Lim ang mga nakaparadang sasakyan na sagabal sa kalsada na isa sa mga dahilan ng pagsisikip ng daloy ng trapiko sa lansangan.

Ipinakita ni Lim sa unang arangkada ng kanyang trabaho ang dedikasyon bilang MMDA Czar dahil buong tapang niyang winalis ang nakasasagabal na mga sasakyan sa kalsada na dahilan ng pagsisikip ng trapik.

Ang isa sa mga kahanga-hanga na ipinakita ni Lim ay nang sampulan nito ang pagro-road widening sa mga service road na nakatengga lang ng mahabang panahon katulad sa Baclaran sa may Parañaque.

Sa halip na magamit ang kalsadang ito bilang karagdagan na daanan sa oras ng trapik ng iba’t ibang sasakyan ay ginawa itong terminal ng mga pampasaherong jeepney habang kaliwa’t kanan naman ang mga illegal vendor.

Walang sini-sino si Chairman Lim, basta nakapeperwisyo ang sinoman sa daloy ng trapiko ay kanya itong tatanggalin o babakbakin.

Ang katwiran ng dating heneral, mas prayoridad sa kanya na may magawa siya sa kanyang bagong trabaho.

Ang mga katulad ni Lim ang kailangan ng mga taga-Tondo, Maynila.

Kung magagawi siya sa kahabaan ng Juan Luna St. cor. Moriones magmula sa Kapilya ng Iglesia Ni Cristo patungong Pritil, mabubungaran niya ang sangkaterbang illegally parked na sasakyan at iba pang mga nakaaaburidong abubot na sadyang nakasasagabal sa kalsada.

Kumikipot ang dinaraanan na kalsada ng mga motorista dahil sa kabi-kabilang illegal parking ng iba’t ibang sasakyan at pagtatayo ng mga tent na sakop ang halos kalahati ng kalsada.

Sana ay pasadahan sa lalong madaling panahon ni MMDA Czar Danny Lim ang lugar na ito para naman makaraan nang maluwag ang mga motorista sa kalsadang ito.

LAGUNA PD ISON, AYAW UMAKSYON VS BOOKIES

Ang mga bayan na kung saan may pinatatakbong bookies ng STL ni Edwin Ramos (ER) ay Pila, Calauan, Victoria, Bae at Los Baños, lahat sa Laguna.

Walang ginagawa si Laguna PD Supt. Cirilo Ison para mapatigil ang nasabing bookies ni ER dahil sa isang nagpapakilalang collector na alyas Sgt. Jeff na kumukuha ng timbre para umano kay PD.

oOo
Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.20.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Lagarto para colorear


Love Quotes Tagalog


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.19.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>