Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

KORAPSYON, PANDARAMBONG SA P8.4B IMPRASTRAKTURA

$
0
0

MAY mga palatandaan na kung saan pupunta ang P8.4-trilyong proyektong imprastraktura ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kabilang dito ang pagtatayo ng 71 kilometrong tren sa Mindanao bilang pundasyon ng mas mahaba pang sistemang tren sa nasabing isla.

Naririyan din ang pagpapatuloy muli ng sistemang tren na mag-uugnay ng Metro Manila at Ilocos Region.

Paspasan naman ang paggawa o pagkumpuni ng pareshong sistema sa Metro Manila hanggang sa Kabikulan.

Sa kabilang banda, nais ng mga mamamayan na ilinaw ng pamahalaan kung saan pa ilalagak ang mga proyektong nakapaloob sa P8.4-trilyong pondo na ibubuhos sa nalalabing limang taon ng administrasyong Duterte.

OFW PADALA

Kung kukwentahin natin, mga Bro, ang halaga bawat taon ng nasabing proyekto, halos katumbas ito ng kabuuang halaga ng padala ng mga overseas Filipino worker.

Naglalaro ang OFW padala o remittance sa $25-30 bilyon o mahigit P1-trilyon taon-taon.

Ito’y maliwanag na katlo ng taunang pambansang badyet ng mahal kong Pinas.

Tingnan ninyo, mahigit sa P3.3-trilyon ang pambansang badyet sa taong ito samantalang nasa P3.8-trilyon naman ang panukalang badyet para sa taong 2018.

Napakalaking salapi ito, mga Bro, na kung gagastusin lamang nang tama ay tiyak na pagmumulan ng ‘di masukat na kaunlaran sa buong bansa.

KALAHATI LANG

Sa nagdaang mga panahon, kasama ang administrasyon ni ex-Pang. Benigno Aquino III, naglalaro sa kalahati ng nakalaang badyet sa proyekto ang napupunta lang sa bulsa ng mga korap at pandarambong.

Kaya naman, kung hindi kalahati lang ang proyektong nagagawa, substandard naman ito.

Ito ang buod ng sinasabi mismo ni Senador Ping Lacson na kung ilang beses na niyang sinabi sa mga imbestigasyon sa Senado.

At ito rin ang totoo sa mga sikret na interbyu natin sa mga kontraktor sa mga proyekto ng pamahalaan.

PAANO?

Paano nga ba kinokorap o dinadambong ang pondo para sa mga proyekto?

May mga sadyang makakapal ang mukha sa paggawa ng mga ghost project na 100 porsyento ang ibinubulsang pondo.

Akalain ba natin na kung 9 na taong manunungkulan ang isang kongresman o senador at kung susunod na manunungkulan ang kanyang misis o anak, eh, 9 taon o higit pa makumpleto ang isang tulay na dapat sana, eh, matatapos lang sa loob ng isa o dalawang taon.

Mayroon ding minamadyik ang pondo gaya ng liquid fertilizer na kung isalang sa pag-aaral, eh, 10% lang pala ang fertilizer at 90% pala ang tubig.

PAANO PA?

Sa maraming imprastraktura, gaya ng paggawa ng tulay sa mga napalawak o na-widen na kalsada, anak ng tokwa, nire-repair lang ang mga two-way na tulay saka nilalagyan ng dinding.

Bago darating ang susunod na halalan, binabakbak ang dinding ng kung ilang buwan at saka lang ilalagay ang dagdag na lane sa isa o dalawang taon o sakto bago maghalalan.

May mga proyekto namang, maya’t maya ay itinatayo ngunit binabakbak din maya-maya dahil mali-mali o marupok daw.

‘Yun pala, ginagawa ang lahat ng ito para lang may pagkukunan ang mga opisyal ng bayan ng kanilang makokorap at madadambong.

Iba pa siyempre ang mga kikbak ng mga nasa Malakanyang na nag-aapruba sa mga proyekto, lalo na ang mga malalaki multi-milyon o bilyon-bilyon ang halaga, gaya ng mga LRT project, drivers license at plaka ng sasakyan.

MATAGAL NA SANA

Kung hindi lang korap at mandarambong ang mga nakaraang namuno ng ating bayang mahal, matagal na sanang kumpleto ang mga sistemang tren, tulay, pier, kalsada, paliparan, school buildings at iba pa.

Kung nagawa ng dating Marcos administration sa loob ng 14 taon ang mga San Juanico Bridge, Maharlika Highway, LRT 1 at cultural complex, mas malaki sana ang nagawa ng 30 taong panunungkulan ng sumunod na mga administrasyon.

Pero higit na korapsyon at pandarambong kaysa serbisyong bayan ang pinaggagagawa ng mga ito mga nanungkulan.

SI DIGONG

Ngayon nga ay nakaupo na si Pang. Digong at zero korapsyon at pandarambong ang isang pundasyon ng kanyang administrasyon para buo ang serbisyong bayan na matatamo ng lahat.

Pwede ba, tumalima tayo lahat sa programang ito, tutal, para sa atin naman lahat ng ito?

oOo
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o sa 09214303333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.20.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>