Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

SHOUT OUT AND WAVE SA MMDA

$
0
0

BIGYANG-DAAN naman natin sa ating kolum ang mga sumbong ng ating mga volunteer sa Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP).

Ito ang isang kwento galing kay volunteer Alexis – “Sir, ako po ay araw-araw na sumasakay ng bus sa EDSA tuwing papasok sa trabaho at pag-uwi.

“Nang minsan po na nakasakay ako sa bus at dahil tayuan ay sa malapit sa driver na ako nakatayo. Ang bus na nasakyan ko ay may tatak na letrang “B”. Sa EDSA po kasi ay may iba’t ibang letter ang bus – A, B, o C. Para po ito sa mga bus stop, kung saan pwede huminto at mag-loading and unloading ang mga bus.

“Pauwi ako at ang bus ko nga na nasakyan ay “B”. Nagulat ako na Northbound na kami ay umilalim ang bus pagdating sa may fly over sa Cubao. Pag-ahon sa may lampas na ng inter-section ng EDSA sa Aurora boulevard, bago dumating ng QMart ay may inabot na envelop ang konduktor sa isang MMDA na nandun.

“Parang tiningnan nung MMDA ang nasa loob ng envelope at pagkatapos ay pinaalis na ang bus.” Tinanong ni Alexis sa driver kung ano ang envelope na ‘yun at ito raw ang sagot sa kanya ng driver ng bus.

“Mga corrupt talaga ‘yan.”

Ang kwento, ‘yung envelope na ‘yun ay may 100 pesos. Kunwari huhulihin kaming mga bus na B dahil bawal umilalim. ‘Yung envelope na ‘yun kunwari ay dokumento pero may P100 dun. Bawat daan sa ilalim ng isang bus na B ay magbabayad ng P100.

Kami nakaka-apat na beses na sa ilalim dumaraan sa isang maghapon kaya P400. Ilan ba kamo ang mga bus na B na dumaraan diyan? ‘Yan nga ang hinaing ng mga driver.

Pagdating sa Cubao, dapat mga bus na A,B, at C ang ibabaw. Ito ‘yung mga nakikita na maraming bus na nakapila sa may bandang Farmer’s market.

Ang A at C ay loading at unloading ng pasahero rito. Pero bawal ang B. Kaya ang reklamo ng B ay kung bakit pa sila kailangang dumaan sa ibabaw sa Cubao, eh, hindi naman sila pwede mag-pick up ng pasahero roon.

Hindi naman sila sinasakyan ng mga pasahero pero matagal na natetengga ang mga bus na B sa may Cubao.

Ang tanong nga ay bakit dun pa padadaanin sa ibabaw, e, ‘di nga naman daw sila pwede magsakay ng pasahero dun.

Kaya tuloy ang ginagawa nila ay sa ilalim dumadaan para makaiwas sa traffic. Pero hinuhuli sila at kailangan nilang maglagay ng P100 kada daan para naman makaiwas sa huli.

Ano kaya ang masasabi ng MMDA tungkol dito? SIBOL/ATTY. ARIEL ENRILE-INTON


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


Lagarto para colorear


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.20.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>