Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MAG-INGAT SA GRABENG DISGRASYA SA TAG-ULAN

$
0
0

TAG-ULAN na at madudulas ang mga kalsada.

Dahil sa dulas, karaniwang nagaganap ang mga disgrasya sa mga sasakyan. At ang masaklap, hindi lang nasisira ang mga sasakyan.
Marami ring nabubuwis na buhay.

DISGRASYA SA IBA

Magkasunod ang mga disgrasya sa Germany at Russia na ikinamatay ng maraming tao.

Sa Germany, puno ang isang bus nang bumangga ito sa isang malaking trak.

Agad na namatay ang 18 katato habang sugatan naman ang iba pa.

Sa Russia naman, nagbanggaan ang isang trak at bus. Namatay agad ang 13 at nasugatan din lahat ang iba pang mga pasahero.

Parehong mga trak na katulad ng mga kumakarga ng mga container van sa Pinas ang kinabangga ng mga bus.

NAGLIYAB

Magaganda ang mga bus sa Europa.

Puno ang mga ito ng mga gamit na panlaban sa sunog gaya ng mga magagandang electric wire at pwesto ng mga gamit na posibleng pagmulan ng sunog ng sasakyan.

Ang standard o pamantayan ng mga sasakyan sa Europa ang siya pa ngang ginagawang pamantayan din sa Pinas.

Gaya ng Euro 4 na gasolina at iba pang mga gamit. Pero lumiyab pa rin ang mga bus nang makipagbanggaan.

Ano ang meron sa mga ito na delikado pala kapag nakikipagbanggaan?

MAG-INGAT

Gaya ng nasabi natin sa itaas, tag-ulan kaya napakadulas ang mga kalsada.

Nauuso rin ang zero visibility o halos hindi makita ang nasa harapan ng sasakyan na ilang metro lang ang layo.

Ibig-sabihin nito, mga Bro, takaw-disgrasya ang lahat ng mga sasakyan ngayong tag-ulan.

Kaya ang panawagan sa lahat ay mag-ingat.

TSUPER ANG KALIGTASAN

Pinakaimportante sa lahat ang mga tsuper ng sasakyan.

Kung meron mang sinasabi na mga safety feature ang isang sasakyan at gumagana ang lahat ng ito, ang tsuper ang pinaka-safety feature ng lahat.

Isa sa mga dapat na tiyakin ng tsuper ay ang hindi pagkakaroon ng mga sagabal sa kanyang paningin gaya ng itinatakda ng anti-distracted driving act sa kanyang harapan habang nagmamaneho.

Pero naririyan ang disiplina na napakahalaga rin, kakambal ng pakikipagbigayan.

Ito ang wala sa maraming tsuper ng mga taksi, bus at dyip.

Karaniwan sa mga tsuper ng bus, jeepney at taksi, kasama ang mga van na pampasahero ang walang konsiderasupm at napakahilig sa pag-o-overtake at pagsingit-singit.

Wala ring trafi-traffick light ang mga ito.

Nagpapatay rin ng ilaw sa harapan ang napakaraming jeepney at magugulat ka na lang na nasa tabi mo na pala ang mga ito.

DEPEKTO LUMALABAS

Lahat ng mga tsuper ay nagsasabing lumalabas ang mga depekto ng mga sasakyan kung tag-ulan.

Kung tag-araw, wala naman umano ang mga depekto.

Kabilang umano sa mga depekto ang paghina ng mga preno.

Anak ng tokwa, talaga namang ganoon dahil nababasa nga ang mga partes ng preno.

At kahit maganda at malakas ang preno, mahirap talagang tumigil ang sasakyan dahil madulas nga ang daan.

Isa pa, sa tag-ulan naririyan din ang pagkasira sa kalwawang ng maraming parte ng sasakyan.

Kasi, sa mga panahong ito, naghahalo ang mga tubig-ulan at tubig-dagat, lalo na sa Kamaynilaan.

Ang mga tsuper pa rin ang dapat na mag-isip ukol sa pagpapatsek ng mga sasakyan bago sila bumiyahe dahil sa pagkakaroon ng depekto ng mga sasakyan at kalsada sa tag-ulan.

WALANG PRENO

Sa Pinas, ‘yang walang preno at madulas na daan ang kabilang sa mga dahilan ng disgrasya.

Bibihira naman ang mga lumiliyab gaya ng nangyari sa Germany at Russia.

Pero naririyan naman ang mga pagkahulog sa mga bangin. Naririyan din ang pag-araro sa mga mga kabahayan kapag nawalan ng preno ang mga sasakyan.

MAGBANTAY

Siguro, magandang hindi lang sa mga panahon ng Pasko at Kuwaresma maging busy ang mga awtoridad sa pagtsek ng mga sasakyan.

Dapat ding gawin ito sa tag-ulan.

Ang mga may-ari, operator at tsuper ay dapat ding maging aktibo sa pagtingin upang maging ligtas ang kanilang mga sasaskyan at huwag ipaubaya lahat sa gobyerno.

oOo
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o sa 09214303333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Lagarto para colorear


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


Long distances monthsary message tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>