Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

SALAMAT SUPREME COURT

$
0
0

MAGANDA ang resulta ng pagdinig sa Korte Suprema tungkol sa hirit ng oposisyon na babawiin daw ang idineklara na Martial law sa buong rehiyon ng Mindanao ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Ang Martial law ay ibinaba ni Pang. Duterte matapos na lusubin ng teroristang grupo ng pamilyang Maute, Abu Sayyaf Group at mga kaalyado nilang dayuhan ang Marawi City.

Nasa Russia noon si Pang. Rody sa isang opisyal na state visit sana para palakasin ang ugnayang panlabas ng bansa, pero wala pang 24 oras ay napilitan siyang bumalik at agad na ipinag-utos ang direktiba para palaganapin ang batas militar, hindi lang sa Marawi City kundi sa buong Mindanao.

Sa labanan na nangyayari, pinatunayan ng mga teroristang grupo na handang-handa sila na sakupin ang dating mapayapang lungsod ng Marawi. Patunay ang nakumpiska na mga armas, riple at mga bala, pati na ang mga gamit sa paggawa ng pampasabog.

Dahil alam ni Pang. Digong ang problema, hindi siya nagdalawang-isip na bigyan ito ng todong protekta na kailangan ay walang hadlang – deklarasyon ng Martial law ang tanging paraan.

Pero sa hanay ng oposisyon laban sa kanyang administrasyon, hindi ito nagsitigil para kwestiyunin ang Martial law sa Mindanao. Sa mga pagtatalo sa Senado at Kamara, ayaw makinig ng katwiran ang mga kritiko kaya nagsampa sila ng kaso sa Korte Suprema.

Anila, dapat daw ay may rebelyon. Dapat daw ay may pagsakop. Dapat daw ay hindi sa buong Mindanao kundi sa Marawi City lamang.

‘Yung kasamahan naman nila sa oposisyon, nagpakitang gilas sa mga panayam sa radyo at telebisyon. Gamit ang isyu ng “karapatang pantao” sabi nila, ang mga terorista raw ay mga tao rin na dapat pakinggan kaysa labanan at posible na mapatay ng estado?

Sa kabila ng lahat, mahinahon si Pang. Duterte at hinayaan niya ang kanyang mga opisyal na humarap sa usapin tungkol sa Martial law. Nagkaroon ng palitan ng kuro-kuro’t opinyon, palitan ng batayan kung dapat ba o hindi dapat ang martial law sa buong Mindanao.

Makaraan ang dalawang linggo ng pagsusuri, pag-aaral at pagtalakay – nakita ng mayorya ng mahistrado na makatwiran ang deklarasyon ng martial law. Tiyak na aangal ang oposisyon pero ano nga ba ang kaya nila?

Maraming salamat Korte Suprema, sa mga makatwiran na mahistrado.

Matatapos din ang digmaan sa Marawi at babalik ang sigla ng mamamayan doon. Isang katiyakan! BALETODO/ED VERZOLA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Best Papa jack Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>