Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MARTIAL LAW NOON AT NGAYON

$
0
0

MAGANDA ang resulta ng ating panayam kay dating Senate President JUAN PONCE ENRILE (JPE). Marami ang tagapakinig ang natuwa at nalinawan sa ating programang BALETODO sa RADYO PILIPINAS 738 kHz AM na government network ng Philippine Broadcasting Service (PBS).

Tinawagan natin si JPE dahil gusto ni Pangulong RODRIGO ROA DUTERTE na payagan siya ng Kongreso na palawigin ang martial law sa buong Mindanao at tatagal hanggang Disyembre 31, 2017. Sa tingin natin, gusto ni Pangulong Duterte na matapos man kaagad ang problema laban sa mga terorista ay tuloy-tuloy ang trabaho para sa rehabilistasyon at rekonstraksiyon sa mga bahay at gusali na nasira.

Sabi ni Senador Enrile, malaki ang pagkakaiba ng martial noon ni Ferdinand Marcos kumpara sa martial law sa Mindanao ngayon.

Noon aniya, ang laban ng gobyerno ay laban sa Communist Party of the Philippines – New Peoples Army (CPP-NPA). Ang laban ng CPP-NPA ay para sa kabuhayan ng mga manggagawa, magsasaka, mangingisda at maraming sektor na sa kabuuan ay pang-ekonomiya.

Ngayon ay laban sa kakaibang terorismo na nag-ugat pa sa ibang bansa na ang tanging gusto ay magtatag ng estado na makasarili lang – ang Caliphate State – ng mga radikal na Muslim. Sa sistemang ito, kalaban ang lahat kahit kapwa Muslim na tatanggi sa sistemang radikal ng Caliphate state.

Sinabi rin ng senador na ang bagong radikal na grupong Muslim, bilang Islamic State (IS) ay hindi lang problema ng Pilipinas kundi ng buong mundo. Sa Amerika, Europe, Gitnang Silangan na pinagmulan ng IS.

Ang Pilipinas ay itinuro mismo ng IS leader na si Al Baghdadi para gawing sentro ng IS sa buong rehiyon ng Asya.

Malupit ang estado na gustong itatag ng IS bilang Caliphate State. Kaya naman ang martial law sa Mindanao ngayon ay tama lang at makatwiran. Tama rin si Pangulong RODY na walang usapin na dapat mangyari sa pagitan ng gobyerno at teroristang Maute at Abu Sayyaf Group. Ubusin ang mga terorista sa bansa!

Pero iba ang tingin ng oposisyon. Para sa kanila ay bangayang pulitikal lang daw ang nangyayari sa Mindanao, partikular sa Marawi City. Ganyan kakitid ang kanilang pananaw. Hindi naman sila bobo!

Ang mahabang martial law na hiling ni Pang. DIGONG ay ‘di lang kontra-terorista kundi laban din sa narco-politicans na nakabase sa Mindanao.

Malinaw, malaki ang pagkakaiba ng martial law noon at ngayon. BALETODO/ED VERZOLA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


Inggit Quotes and Taray Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Best Papa jack Love Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>