Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PCSO KAY PNP CHIEF BATO: KAMPANYA LABAN SA JUETENG SERYOSOHIN

$
0
0

ISA sa mga direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Philippine National Police ay sugpuin at tapusin ang jueteng at iba pang iligal na sugal sa buong bansa.

Ang kampanya laban sa jueteng at iba pang klase ng iligal na sugal ay siya ring pinagkasunduan ng PNP at Philippine Charity Sweepstake Office noong Nobyembre 22 ng nakalipas na taon, ngunit nadismaya nang husto ang pinuno ng PCSO na si Alexander Balutan, sapagkat hindi agresibo si PNP Chief Ronald dela Rosa na ipatupad ang napagkasunduan.

Nakupo – kulang na lang sabihing hindi seryoso si Dela Rosa laban sa iligal na sugal.

Ayon kay Balutan, nakikipagsabayan at nakikipagkompitensya pa nga ang mga iligal na sugal sa small town lottery ng PCSO, dahilan upang hindi kumita nang husto ang pamahalaan.

Malaking bagay kung kikita nang malaki ang STL, sapagkat makatutulong ang pondo nito sa mga proyekto ng pamahalaan para sa mamamayan.

Magagawa lamang ito kung mawawala ang mga iligal na sugal, diin ni Balutan.

Tulad ni Duterte, hangad ni Balutan na mawala na ang jueteng at mga iligal na sugal sa bansa, sapagkat alam nilang isa sa pangunahing suliranin ng bansa ang iligal na sugal.

Ang problema, lumilitaw na hindi agresibo si Dela Rosa, kaya hindi rin agresibo ang iba pang opisyal at kasapi ng PNP.

Ang palaging idinidiin ni Dela Rosa ay ang talamak na iligal na droga at terorismo sa Mindanao.

Nagpapaipon ba ng pondo si Director General Ronald dela Rosa para sa kanyang ‘ambisyong’ maging senador?

Wala namang masama kung nangangarap na maging senador si Dela Rosa makaraang sumikat habang isinasagawa ng PNP ang kampanya laban sa iligal na droga.

Ang masama ay sadyang mapababayaan ang isa pang adyenda ng administrasyong Duterte – ang kampanya laban sa iligal na sugal – dahil lamang sa ambisyong maging senador ng mismong pambansang pinuno ng PNP.

ISA PANG “SEAL OF CHILD-FRIENDLY LOCAL GOVERNMENT” SA CALOOCAN

GINAWARAN muli ang administrasyon ni Mayor Oscar Malapitan ng “Seal of Child-Friendly Local Government” ng Department of Social Welfare and Development at Department of the Interior and Local Government.

Nakatanggap na rin ang administrasyon ni Mayor Malapitan ng parehong parangal nitong nakalipas na taon.

Ang panibagong parangal ay patunay lamang na tuloy-tuloy ang Pamahalaang Lungsod ng Caloocan sa pagsusulong at pagpapatupad ng mga patakaran, programa, at proyekto tungo sa ikabubuti ng mga bata sa lungsod.

Ang mga patakaran, programa, at proyekto para sa mga bata ay dapat tuluy-tuloy ang implementasyon tulad ng ginagawa ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan upang tuluy-tuloy din ang epekto ng mga ito sa mga bata. BADILLA NGAYON/NELSON BADILLA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


Inggit Quotes and Taray Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Best Papa jack Love Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes