Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

BILYONG KOMISYON SA KOMISYON

$
0
0

WALA raw dahilan para imbestigahan pa ng mga kongresista ang umano’y isang-bilyong piso na ill-gotten wealth ni Commission on Election Chairman Jose Andres Bautista kaugnay sa ibinunyag ng kanyang misis na si Patricia “Tisha” Bautista.

Ang sabi ni House Majority Floor Leader Rudy Fariñas dapat daw kay komisyon… este commissioner ay ipagharap ng impeachment complaint dahil ang katulad niyang impeachable official ay kinakasuhan sa alinmang hukuman.

Aba’y hindi yata biro-biro ang magkamal ng bilyong pisong salapi kahit isama pa ni Tito Andy ang iba pang mga “karaketan” niya simula nang maging abogado siya ay hindi maniniwala ang taumbayan na nakuha niya ang bilyones na ito sa kanyang mga raket niya…

Eh, si former Comelec Chairman Atty. Sixto Brilliantes na nagsimulang nagsilbi sa komisyon nang walang-wala hanggang sa pagretiro niya ay walang-wala pa rin dahil hindi pinangarap ni Brillantes na magkamal ng pera dahil sa korapsyon.

Pero nakagugulat itong si Chairman Bautista, simula nang maging Comelec chairman ay sobrang napakabilis ng pag-usad ng kanyang buhay sa pagiging bilyonaryong government official.

Kung hindi pa nga ibinuking ng misis niyang si “Tisha” ang mga tagong-yaman niya ay baka habang panahon tayong naloko ni komisyoner (kung totoo man ang alegasyon ng ale sa mister niya). He!he!he!

Kung titingnan mo kasi ang hilatsa ng pagmumukha ni Bautista animoy napaka-amo na hindi makabasag pinggan lalo pa’t kung idinadaan niya sa mga kwento ang mga pa-presscon sa Media.

Nakahihiya ka, burubot ka.

UNTOUCHABLE NA BOOKIES NG STL NI MCKOY

Isang alyas Mckoy Recto ang siya ngayon nagpapa-bookies ng Small Town Lottery na kung saan ang sentro ng bolahan niya ay sa Brgy. Munting Pulo, Lipa, Batangas.

Walang sinomang nakagagalaw sa bookies ni Mckoy dahil sa mula pababa hanggang itaas ay naka-timbre sa nasabing bookies operator na ito.

Totoo ba ito Lipa COP Supt. Carlos Barde, anong ginagawa mo riyan (baka nagkakamot ka lang ng yagbol mo). He! he! he…

oOo
Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


Inggit Quotes and Taray Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Best Papa jack Love Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>