Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

KULANG BA ANG MGA TAXI?

$
0
0

MAY mungkahi raw na magdagdag ng units ng taxi dahil kulang ang mga ito para pagsilbihan ang mga nangangailangan ng kanilang serbisyo.

Lumabas ang mungkahing ito sa gitna ng pagsuspinde ng LTFRB sa Uber ng 30 days at mali-lift lang ang suspensyon kapag nagbayad ng P190-milyong multa ang Uber.

Marami ang pumalag sa mungkahi.

May ilan na nagtanong – dahil epektibo na ang guidelines para sa bagong prangkisa sa mga public utility vehicle, kabilang na ang taxi – ay kung kailangan pa ba ng “go signal” ng mga local government unit gayung ang ruta ng taxi ay either anywhere in Metro Manila o Luzon at sa probinsya naman ay para sa buong region.

May magandang hangarin naman ang nag-suggest nito, isa raw kasi itong solusyon para matuldukan na ang mga reklamo laban sa taxi tulad ng pangongontrata, pagtanggi sa pasahero, atbp.

Pero sa papaanong paraan ba magdaragdag ng taxi sa lansangan? Kailangan bang magbigay ng mga bagong prangkisa para sa taxi?

Dagdag-sasakyan na naman ba ‘yan at susog sa lumalalang traffic situation sa Metro Manila?

Sa tingin ko ay hindi lang talaga nama-maximize ng mga taxi operator ang kanilang mga fleet, dahil na rin sa kakulangan ng taxi drivers.

Buwenas na nga kung kalahati sa bilang ng kanilang mga unit ay nakapapasada araw-araw dahil wala nang drivers.

Naging mahirap sa mga operator na makakuha ng mapagkakatiwalang mga driver ng taxi dahil marami sa mga ito ay nagmamaneho na nga ng Uber o Grab.

O kaya naman ay namasukan na sa ibang trabaho dahil nga maliit na ang kinikita ng mga taxi driver.

Ang resulta, mas konting taxi ang nakapapasada at kulang na ang serbisyo sa tao. Idagdag mo pa ang mga unit na hindi nakalalabas dahil sa color coding. Isa ring puna ng mga operator na kailangan ma-address agad ay ang mabagal na proseso ng mga dropping and substitution of units nila.

Ito ‘yung proseso kung saan pinapalitan ng brand new units ang mga phased-out taxi.

Hanggang wala pa kasi ‘yung order ng LTFRB ay hindi pa makabibiahe ang mga bagong unit ng mga operator.

Sa usaping ito ay mahalagang makonsulta ang mga operator, ang mga taxi driver at mga commuter group na rin para malinaw na madetermina kung kulang nga ba o sapat na ang serbisyo ng taxi para sa maayos na pagsakay ng ating mga commuter. SIBOL/ATTY. ARIEL ENRILE-INTON


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>