Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PANAGHOY SA KATARUNGAN

$
0
0

ANG martsa na naghatid sa huling hantungan sa 17-anyos na grade 11 student na si Kian delos Santos ay panandaliang huminto sa harap ng Caloocan City PCP 7 kung saan nakatalaga ang mga pulis na sangkot sa kanyang pagkasawi.

Sa pagtatangka marahil na alugin ang kanilang konsensya ay binasa ni Father George Alfonso, Santa Quiteria Church parish priest, ang “Panaghoy sa Katarungan” sa harap ng presinto.

Daan-daang mga tao na sumama sa martsa ay nagdasal na makakuha ng katarungan si Delos Santos at ang ibang mga biktima ng madugong digmaan sa droga.

Sa kasalukuyan, si Delos Santos ay naging simbolo ng mga pang-aabuso na isinagawa umano ng kapulisan sa giyera sa droga. Libu-libo ang nasawi mula nang ilunsad ni President Duterte ang kampanya laban sa droga noong isang taon.

Sa kanyang Twitter account, si United Nations Special Rapporteur on Extra-Judicial Executions Agnes Callamard ay nagpahayag ng taos-pusong pakikiramay sa mga Delos Santos at sa lahat ng pamilya na nabiktima umano ng malupit na digmaang ito.

Hinimok ni Callamard ang Pilipinas na gawing huli na ang pagkasawi ni Kian sa digmaan sa droga. Ayon sa kanya ay murder ang naganap sa tinedyer at lahat ng pagpatay na labag sa batas ay dapat imbestigahan.

Mahalaga ang resulta ng awtopsiya na nagpapakita na si Kian ay nasa lupa nang barilin sa likuran, sa likod ng kaliwang tainga at sa loob ng kaliwang taynga at ang bumaril ay nakatayo.

Taliwas ito sa pahayag ng mga pulis na si Delos Santos ay tagahatid ng droga na lumaban sa mga umaaresto at pinaputukan sila kaya sila napilitang gumanti.

Isa sa mga testigo na nasa pangangalaga ng Public Attorney’s Office ay may cell phone video umano na nagpapakita sa mga pulis na ginagawan ng krimen si Kian. Balak suriin ng PAO ang naturang video habang naghahanap sila ng karagdagang ebidensya sa naganap.

Gayunman, naninindigan si PAO chief Persida Acosta na ang kanilang mga ebidensyang hawak laban sa mga pulis ay malakas at hindi mabubutasan.

Naniniwala ang Firing Line na sakali mang sangkot si Kian sa droga tulad ng sinasabi ng mga pulis, walang dahilan para paslangin siya nang walang kalaban-laban.

Ang sadyang pagpaslang sa tao na hindi sangkot sa droga ay lalong malaking kapalpakan. Lilikha ito ng pagdududa kung dapat nga bang pagtiwalaan ang ating mga pulis at sa kaligtasan ng publiko na dapat nilang pinoprotektahan.

Alalahanin na ang lahat ng police operations ay nararapat isagawa nang naaayon sa batas.

* * *
SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksyon, mag-email sa firingline@ymail.com o mag-tweet sa @Side_View. FIRING LINE/ROBERT ROQUE, JR.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Tagalog God Quotes to inspire you


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Best Papa jack Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Mga patama Quotes tagalog


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>