NAKATUTUWANG nakaiinis ang nangyayari sa lipunang Filipino ngayon.
Ang nakatutuwa, dahil P1,000 ang ibinigay na badyet ng Kamara De Representate sa CHR kamakailan kaya nagwawala ang oposiyon.
Mahalaga raw ang papel ng ahensya sa ating lipunan. Bantay raw sila sa mga lumalabag sa karapatang pantao?
Ang nakaiinis, ang mandato lang daw nila ay laban sa pang-aabuso ng estado. Sa sibilyan, tungkulin daw ng mga pulis at sundalo o ng gobyerno sa kabuuan!
Malabnaw ang katwiran ng CHR at mula mismo sa kembot at bibig ni Chito Gascon.
Hindi raw nila trabaho ang mag-imbestiga sa karaniwang mamamayan.
Mukhang hindi ito ang tunay na mukha ng human rights o karapatang pantao G. Balbas. Mag-ahit ka nga, ang dungis ng hitsura mo eh.
Si Gascon ay pinalaki ng mga Aquino at Cojuanco. Ginawa siyang miyembro ng pag-ugit noon sa 1987 Corazon Constitution.
Itinalaga siya pagkatapos bilang representante ng kabataan sa Kongreso at marami pang papel hanggang umabot na “executive secretary ng Liberal Party. Finally, itinalaga sa CHR!”
O sige, pang-pulis lang ang CHR. Ano ang ginawa ninyo noon sa magkakasunod na masaker at pagpatay sa Hacienda Luisita noong panahon ng iyong “kababata” na si Noynoy Aquino? Madugo at marahas ang pagpatay ng kanyang mga pulis at bodyguard. May ginawa ka ba Boy Balbas?
Wala kayong ginawa man lang sa mga kriminal at adik na lumaban at nakapatay sa mga pulis. Wala rin kayong kibo, kahit pakitang tao lang noong nanggahasa ang mga adik at pinatay ang mag-anak sa Bulacan. Hindi rin kayo nagsalita nang sakupin ng KADAMAY ang pabahay sa mga pulis at sundalo noon sa Pandi, Bulacan.
Mababaw ang pagkaalam ninyo sa tunay na trabaho ng CHR. Alam ba ninyo kung bakit may human rights? Lumalabas, nakita ito ng nagdaang rehimen ni Aquino kaya kumuha siya ng matibay at makapal ang mukha na tagapagtanggol sakaling makasuhan na ang dating Pangulo ng malubhang paglabag sa karapatang pantao.
Sa rami ng tauhan ng LP, siyempre pinili ni Noynoy ang hindi makatatanggi at ipaglalaban siya hanggang kamatayan – iyan si Chito Gascon! Natural lang dahil alaga nga siya at “pinalaki” ng Aquino-Cojuanco!
Kaya walang maasahan ang mga Filipino sa CHR. Dahil ang kembot ni Gascon na bulok ay para sa kanyang mga amo lang! BALETODO/ED VERZOLA