Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

‘RESIGN’… ITO ANG USO NGAYON

$
0
0

NADADALAS magamit ngayon ang salitang ‘resign’ o pagbibitiw sa tungkulin ng administrasyong Duterte.

Walang iba kundi si Pangulong Digong Duterte mismo ang gumamit ng ‘resign’ kung saan hinamon nito ang dalawang babae sa katauhan nina Ombudsman Conchita Morales at Chief Justice Maria Lourdes Cereno.

Pero bago ang Pangulo ay ang kanyang Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ang nanawagan ng ‘resign’ laban kay Senador Risa Hontiveros na matagal na rin ang bangayan.

Bukod sa panawagan ni Aguirre na magbitiw si Hontiveros bilang Senador ay sinampahan pa ito ng mga reklamo gaya ng ethics complaint sa Senado at reklamong kriminal dahil daw sa iligal na ‘wiretapping’.

Ayos lang naman ang banggaan ng dalawa dahil oposisyon itong si Hontiveros habang administrasyong Duterte naman si Aguirre kaya natural lang na hindi magkasundo ang dalawa.

Subalit ang nakalulungkot ay ang banggaan nina Lolo Digong, Cereno at Morales dahil posible itong mapunta sa malaking kaguluhan ng taumbayan – banggaan ng Presidente, Chief Justice at Ombudsman.

Inihayag ni Lolo Digong na sabay silang tatlo na magbitiw sa kani-kanilang trono pero, taumbayan… hindi ito matatawag na produktibo o makabubuti sa taumbayan at sa buong bansa.

Pangit na palatandaan ito dahil ang mga lider ng mga institusyon na inaasahan sana ng taumbayan na kanilang huling sandigan ng hustisya ay inuupakan ng Presidente ng samu’t-saring paratang ng katiwalian o kapalpakan.

Kung totoong lahat ang paratang ng Pangulong Digong, kanino o sino na ang aasahan ng taumbayan na kanilang tatakbuhan upang makakuha ng hustisya? Si Lolo Digong na ating Presidente ay tatayo na rin na hustisya ng bayan?

Kanya-kanyang galaw sana ang tatlong ito. Si Lolo Digong ang ehekutibo o taga-pagpatupad, si Cereno at ang kanyang mga kasamahan sa Korte Suprema ang huling interpretasyon ng batas habang si Morales ang Tanodbayan ng gobyerno.

Ang mahirap nito…lahat ng tatlong ito ay may kanya-kanya rin na paratang ng katiwalian. Habang pinaparatangan ni Lolo Digong sina Cereno at Morales ay may paratang din sa kanyang umano’y itinatagong nakaw na yaman.

Nakalalamang naman sa banggaan na ito si Lolo Digong dahil siya ang administrasyon sa ngayon kaya nasa kanya ang buong makinarya samantalang limitado lamang sina Cereno at Morales.

***
Para sa komento o suhestyon: eksperto71@gmail.com EKSPERTO/JOIE O. SINOCRUZ, Ph.D.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Lagarto para colorear


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Love Quotes Tagalog



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>