Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

DOBLENG DAGOK KAY DIÑO

$
0
0

TULUYAN nang tinapos ni Pangulong Digong Duterte ang sigalot sa Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) matapos niyang sibakin si Chairman Martin Diño at italaga sa kanyang puwesto ang katunggaling si Atty. Wilma Eisma na siya ring administrator ng freeport.

Ang hakbang ay ginawa ni Digong ilang buwan matapos magsimula ang iringan sa pagitan ni Diño at ng mismong mga SBMA director, nang magpalabas siya ng isang order na lumilikha ng oversight task force na itinalaga niya sa kanyang opisina.

Kinastigo siya noon ng mga kasapi ng board sapagkat walang konsultasyon at pagsang-ayon ang nasabing kautusan mula sa kanila.

Simula noon ay naglabasan na ang iba’t ibang isyu na karamihan ay laban sa ginagawa umanong pagmamalabis ni Diño sa kanyang posisyon at kapangyarihan.

Hindi na natin iisa-isahin dito ang mga akusasyon laban kay Diño pero itinanggi naman niya ang lahat ng iyon.

Ang katwiran niya ay inaayos niya lamang ang pamamalalakad sa SBMA sapagkat nililinis niya ito mula sa lahat ng uri ng katiwalian.

In fairness kay Digong ay hindi naman siya nakinig sa mga sabi-sabi at sa halip ay nagpaimbestiga siya sa totoong sitwasyon sa SBMA bago siya nagdesisyong sibakin si Diño.

Sa isang presscon matapos siyang sibakin ay nagpasalamat si Diño kay Pangulong Digong at doon ay sinabi rin niyang tinanggap na niya ang alok ng Pangulo na italaga siyang undersecretary for barangay affairs sa DILG.

Ibinida pa ni Diño, na bilang dating barangay captain plano niya na kunin ang kooperasyon ang suporta ng mga barangay kapitan at kagawad sa buong bansa para sugpuin ang kriminalidad, bawal na iligal na droga at korapsyon.

Pero parang doble sampal ang inabot ni Diño nang itanggi ng Malacañang na itinalaga na siya ni Pangulong Digong sa nasabing puwesto.

Ito’y matapos ihayag ni Palace Ernesto Abella na wala pang ibinibigay na puwesto sa DILG o sa kahit saang tanggapan ng pamahalaan kay Diño.

Dahil dito ay mukhang naunsyami ang plano ni Diño na ituloy ang trabaho niya sa gobyernong Duterte.

Nangangahulugan din ba ito na goodbye na siya at balik siya sa pagiging ordinaryong mamamayan ng bansang ito?

Tsk!Tsk! Sayang naman ang tsansang ibinigay sa kanya! OPEN LINE/BOBBY RICOHERMOSO


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Lagarto para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


kasama kang tumanda


Best Papa jack Love Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Long distances monthsary message tagalog


Best Inspirational Love Quotes Collection



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>