Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

WALANG CONFLICT OF INTERES; TALAGA LANG, HA!

$
0
0

YAMAN din lang na week end ay bigyan po natin ng pansin ang matagal nang inirereklamo ng mga motorista, maging ng mga establishmento na nakasasakop sa kahabaan ng Mabini St., Ermita, Manila.

Ang reklamo ng mga ito ay may kinalaman kaugnay ng tagni-tagning binungkal na kalsada sa kahabaan ng Mabini Street.

Pagkatapos kasing mabungkal ay hinayaan na lamang na nakatiwangwang ang mga ito siyang nagiging dahilan ng araw-araw na pagsisikip ng daloy ng trapiko sa nasabing kalsada.

Ang pagbubungkal sa Mabini Street, kung hindi ako nagkakamali, ay proyekto ng Department of Public Works and Highways noon pang isang taon pero hanggang ngayon ay nakatiwangwang pa rin.

Bakit, hindi ba ito nakikita o dinaraanan ni DPWH Sec. Mark Villar para pabayaan na lamang ang kalsadang ito na nakatiwangwang?

Sino ba ang project manager o project engineer ng nasabing paghuhukay?

Bakit hinahayaan ang mga hukay na nakatiwangwang lang hanggang sa magiging problema na ng gobyerno at mamamayan?

Ano ang ginawa ni Sec. Villar, bakit hindi niya nakikita ang mga nakatiwangwang na mga hukay sa kalsadang ito?

Anooo ang dahilan Mr. Sec. Villarrr?

Eh, puro yata ‘yung mga kalsada ng mga subdivision at village na negosyo ng inyong pamilya ang palaging pina-prayoridad ninyo kaya hindi ninyo na bibigyan ng pansin ang ibang mga kalsada.

Hindi dapat kayo ang maging DPWH secretary dahil may conflict of interest sa inyong family business sa inyong posisyon, ‘di ba? Hehehe.

BOOKIES NG STL SA LIPA CITY

PATULOY ang pag-o-operate ng bookies ng Small Town Lottery nitong sina Ronald Biscano at Macoy Recto sa Lipa City simula nang nawala ang mag-among sina Anang Tomboy at Thoper.

Ang bookies ng STL nina Ronald at Macoy ang pinakamalaki at pinakamalakas sa Lipa City pero hindi hinuhuli ng kapulisan ang mga ito. Taning n’yo!

oOo
Anomang puna o reklamo i-text sa 091829274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Best Papa jack Love Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>