Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MAY SINDIKATO SA PAGPATAY SA MGA PASLIT

$
0
0

KAILANGAN na kumilos agad ang Pambansang Pulisya para tuntunin ang isang grupo na gumagawa ng mapanirang aksyon laban sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte at pwersa ng mga pulis natin.

Magkakasunod ang nangyaring pagkapatay sa mga paslit o menor-de-edad. Posibleng ang nangyari kay Kian Lloyd delos Santos sa Caloocan City ay mitsa ng isang kwento. Sadya nga ba siyang pinatay ng mga pulis Caloocan City? Magkakaibang bersyon na ngayon ay nasa korte na.

Sumunod ay ang pagkapatay kay dating U.P. student Carlo Arnaiz at ang “nawawala” niyang kasamang si “KULOT.” Ang mga kapatid, kaibigan at kapitbahay nina KULOT ay duda na siya nga ang nakuha sa Nueva Ecija! Ilang araw lang, may nabaril na naman sa Pasay City at may sumunod pa na biktima.

Naniniwala tayo na may mga abusado at nagpapakalat na pulis ng iligal na droga. At lalo tayong naniniwala na ilan sa pulis ay miyembro na ng sindikato hindi lang sa iligal na droga kundi sa kidnap-for-ransom, robbery hold-up at marami pang krimen.

Pero ang magkakasunod na pagkamatay ng mga menor-de-edad ay nakakaduda na ang mga sumunod. Sa tingin natin, may isang grupo na nabuo para pumatay pa ng mga bata na ang layunin ay ituro ng kanilang mga daliri ang PNP at mismong si Pangulong Duterte.

Pansinin natin ang agwat ng mga pagpatay. Halos tuwing ikatlong araw lang at agad na sumasabog sa iba’t ibang sangay na balitaan.
At pansinin din na halos dalawang himpilan lang ang nag-aagawan sa kanilang “exclusive” na mga balita tungkol dito. Nagkataon nga lang ba?

Kaya tinatawagan natin ang PNP na maging alisto at mapagmatyag sa mga pagpatay sa mga kabataan, sa mga “medor-de-edad.” Kayo ang unang itinuturo at sa huli, nasisisi dahil sa inyong kaluwagan o kapabayaan. Ang masama pa, kayo ang pinagdududahan sa balita!

Malakas ang ating hinala na may nabuo nang sindikato para pumatay pa sa ilang menor-de-edad. Una ay para sirain ang Pambansang Pulisya at kasunod ay si Pangulong DIGONG. Sana nga ay mali tayo pero nariyan ang mga ebidensiya.

Nasasaktan na ng husto ang sindikato sa iligal na droga. Dahil sa laki ng kanilang pera, magagawa nilang sumira ng sinomang tao. Sa laki ng kanilang salapi, kaya nilang wasakin ang ating bansa.

Papayag ba tayo? BALETODO/ED VERZOLA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Lagarto para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Love Quotes Tagalog


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>