KUNG ayaw ninyong dumepensa si Pangulong Rodrigo Duterte ay huwag ninyo siyang akusahan, dahil karapatan niya na ipagtanggol ang kanyang sarili dahil ito ay ayon sa batas.
Gaya ng sinomang tao na inaakusahan ng iba’t ibang kasong iregularidad, anomalya at krimen ay karapatan niyang ipagtanggol ang kanyang sarili sa mga akusasyon laban sa kanya.
Pahayag ito ng dalawang miyembro ng Partylist sa iba pang mga kasamahan nila sa Kamara na huwag na silang makisawsaw sa banggaan ng Ombudsman at ni Pang. Duterte.
Ayon kasi sa dalawa, sangkatutak na nga naman ang kinakaharap nilang usapin sa Kamara na hindi nila matapos-tapos hanggang gaya ng nakabinbin na mga panukalang batas, impeachment at isyu sa pederalismo.
Heto makikisawsaw na naman ang Kamara sa banggaanng dalawang sangay ng gobyerno. Baka matapos ang year 2017 ay wala pa silang batas na naipapasa. (Asus maryosep)
Sinabi rin ng dalawa na balak ding makisawsaw ang iba sa banggaan ng mga namumuno sa hudikatura at ehekutibo (aruy ko po, sobra kasing mae-epal).
Aba’y sa tingin ko ay kayang-kaya ng Pangulong Duterte na depensahan ang kanyang sarili at naniniwala rin tayo na walang paroroonan ang mga ibinibintang ng nasa Ombudsman at nasa Supreme Court sa Pangulo.
Dekalidad na abogado at piskal at ngayon ay Pangulo, alam ni Pang. Digong ang mga batas kaya yakang-yaka niyang lusutan ang mga ibinibintang laban sa kanya.
Wait and see (oo nga). Hehehehe.
PUWESTO PIJO NA SUGALAN SA MENDEZ
Habang nagkakahigpitan sa illegal gambling sa buong Metro Manila ay todo-pasa lamang ang operasyon ng puwesto pijo ng pasaklaan nitong si Dodjie sa Sabungan ng Mendez Cockpit Arena, Mendez, Cavite.
Nakatunganga lang at tila nag-aantay ng lingguhang I.N.T. mula sa timbre ni Dodjie ang hepe ng kapulisan dito. Totoo ba ito, Mendez COP S/Insp. Rommel Dimaala?
oOo
Anomang puna i-text sa 09189274764,09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA