MAINIT na pinag-uusapan ang mga fake news, kahit sa Senado.
Kanya-kanya kasi ang claim na pine-fake news sila, lalo na ang mga nasa pulitika.
Sa mga politiko, basta laban sa kanila ang balita, fake news ang turing nila riyan.
At sasabihin nilang hindi totoo ang lahat ng mga masasamang balita ukol sa kanila kaya dedma na lang lahat.
SUMASAGOT, NAGTUTUWID
Pero ‘yung iba ay sumasagot naman upang ituwid ang dapat na ituwid. Kasi, kapag hindi sila sasagot, parang pinababayaan nila ang kanilang karapatan para sa katotohanan.
At mananatiling katotohanan na ang fake news para sa iba na hindi nakarinig ng panig ng pine-fake news.
Kapag nakarating ‘yan sa hukuman, sasabihin ng korte na talo sila dahil pinabayaan nilang yurakan ng iba ang kanilang mga karapatan para sa katotohanan.
Alalahanin na may takda nang pagsasampa ng kaso.
Kapag hindi ka nagsampa ng kaso sa takdang oras, talo ka, lagot ka.
ANO NGA BA ANG FAKE NEWS?
Madaling sagutin ito.
Fake news o pekeng balita ang isang balita kung wala talaga itong katotohanan o batayan.
At meron namang talagang ganyan.
Ngayon, maituturing din bang fake news ang balitang kalahating totoo at kalahating peke?
Paano kung napatay ang isang testigo na nakaaalam ng tunay na balita o sinunog o sinira ang isang dokumento na patunay ng isang totoong balita?
Kung hindi naman, eh, sinira o itinago ang isang materyal na ebidensya o kaya’y bumaligtad ang isang testigo?
May fake news din ba rito?
MGA FAKE NEWS
Itong kaso ni Carl Arnaiz ay minsan nang kinulapulan ng fake news.
Halimbawa, sinabing inosente sa anomang krimen si Arnaiz. Pero nang lumabas ang tsuper na si Tomas Bagcal, pinatunayan nitong isang holdaper si Arnaiz.
Ito namang mga pulis-Caloocan, sinabi nilang nilang nanlaban si Arnaiz kaya napatay ito.
Lumabas naman ang mga saksi na nagsasabing, sadyang pinatay ng mga pulis si Arnaiz.
Isinama rin si Arnaiz na isang menor de edad at kasuka-suka umanong idinadamay sa krimen ang mga ganitong mamamayan.
Pero ang itinuturing na menor-de-edad ay hanggang 17-anyos lamang at momentong tumuntong ang isang tao sa edad 18, hindi na ito itinuturing na menor de edad gaya ni Arnaiz na isa nang 19 anyos nang mangyari ang krimeng nauugnay sa kanya.
FAKE NEWS PA
Meron pang fake news na mismong ang Senado ang biktima.
‘Yun bang === ukol sa Senate resolution na humihingi ng pagkondena sa umano’y extrajudicial killings.
Inakusahan ang pitong senador na hindi pumirma at pinagmukhang mga bayani ang 16 senador.
Akalain mo bang nakarating and resolusyon sa kulungan ni Sen. Leila de Lima at napapirma ito ngunit walang nakarating na kopya ng resolusyon sa pitong senador.
Kasunod nito ang pag-bash sa social media at sa mga radyo, diyaryo at telebison sa mga hindi nakapirmang senador para lang sila masira?
Tinawag ng pitong senador na fake news ang hindi nila pagpirma at sila na mismo ay naglabas rin ng sariling resolusyon na kumokondena sa EJK.
HARASSMENT SA FAKE NEWS
Nag-imbestiga ang Senado ukol sa fake news para mokontrol umano ito at tanging ang katotohanan lamang ang dapat na lumabas sa mga balita.
Dito medyo tumindig ang ating balahibo.
Kasi naman, habang inilalakad natin ang decriminalization ng libelo, lalo lang itong pinalakas ito bilang krimen sa pamamagitan ng pagkakaroon ng cyber libel.
Paano kung pagmumulan na naman ang fake news ng bataya para sa libelo?
Alalahanin na pupwedeng sampahan ang isang tao ng kambal nma kasong libelo.
‘Yun bang === isa sa cyuber libel at isa sa tradisyunal na media gaya ng mga diaryo, radyo at telebisyon.
Paano kung may katotohanan ang “fake news” at idedemanda ka ng isang makapangyarihan at maipluwensiya.
Tapos, kung taga-Minadanao ka, eh, idedemanda ka sa Aparri o Laoag City?
KALAYAAN SA PAMAMAHAYAG
Sana naman, bigyan nang todo ang bawat isa ng kalayaan na magpahayag ng kanyang saloobin o nalalaman.
Lalo na sa mga transaksyon na iligal ng mga opisyal ng pamahalaan.
Dahil karapatan ng mga mamamayan na gawin ito.
Kung may kokontrolin man, sana ang mga nagpapakalat ng fake news at hilaw na balita na walang ibang hangad kundi sirain ang ating bansa.
Pwedeng masira ang ating bansa sa kawalan ng respeto at pagkilala sa mga proseso o batas ukol sa pag-upo ng ating mga namumuno gaya ng halalan.
‘Yun bang === nasanay na sa mga kudeta at iba pang pwershang pagpapalit ng pamunuan ang ginagawa upang sila ang manatiling nasa poder.
Matanong ko nga pala, paano kung magkagulo ang Pinas dahil sa mga fake news?
oOo
Anomang reklamo o puna, mangyaring i-text lamang po sa 09228403333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA


