NAKATATAWA ang ginawang pagdinig sa Senado kamakailan tungkol daw sa pagkakalat ng “fake news” ng “netizens” o mga taong nagbibigay ng kanilang opinion sa social media katulad ng Twitter at Facebook.
Nakaiirita raw kasi sa mga apektadong senador ang ganoong balita?
Nakasisira raw ng puri nila na mga senador at mga kaalyado na kilala naman natin na nasa hanay ng oposiyon sa administrasyon ni PANGULONG RODRIGO ROA DUTERTE!
Mahusay ang pamumuno ni Senator Grace Poe. Matalino siya at totoong pantay ang pagtanaw sa mga ibinabato na bintang laban sa “netizens” lalo na si RJ Nieto ng “Thinking Pinoy”.
Gusto ng mga “apektadong senador”, isa na riyan na dapat daw ay humingi ang mga “netizens” ng paumanhin sa nakakulong na si Leila Delima sa halip na ikatuwa ng “bloggers” pero sinagot siya, ang senador, na masaya talaga sila sa pagkulong kay Delima.
Ang mga kaalyado naman niyang senador, sinita si Thinking Pinoy na mamili bilang “government server” o blogger.
Simple ang sagot ni Nieto, hindi siya government employee kundi mumurahing special service consultant ng Department of Foreign Affairs – OMWAA Department.
Para sa mga apektadong senador, wala o hindi maituturing na “fake news” ang mga ipinoposte ng mga kababayan natin sa social media. Bagkus, ito ay kanilang mga opinion outside of mainstream media.
Hindi naman sila, kasama na tayo, na “persons of interest” ng mass media. Tama ba?
Ibig-sabihin, iba ang mainstream media sa pagganap ng kanilang tungkulin. Ang magbigay ng balita sa mga nagaganap na pangyayari.
Lamang, it is either “true news” o “twisted news” na katulad ng ginagawa ng ilang media outlets.
Ang sa social media ay BLOGS NG MGA BLOGGER na karamihan ay ordinaryong mamamayan na nagbibigay lang ng kanilang pananaw at opinion batay sa mga lumalabas na mga balita.
Walang masama rito dahil hindi rin naman sila napakikinggan sa mainstream media.
Pero dahil sa hiling ng mga “apektadong senador”, lumabas ang totoo. Those senators hate the truth!
There is no such thing as “fake news” delivered by the mainstream media but there is truth that at times, they deliver “twisted news”! In BLOGS posted, it is what it is.
The natural reaction made into an opinion addressing the issues by considerable “FAKE PEOPLE” pretending to be our public servants! BALETODO/ED VERZOLA

