Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MTPB HINDI NAGBAGO

$
0
0

KUNG iisipin, kinakawawa at dinuduraan lang ng mga kasapi ng Manila Traffic and Parking Bureau si Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada.

Parang waepek ang kung ilang buwang pagsasanay ng mga ito upang maging tunay na lingkod-bayan.

Balik ang mga ito sa pagiging busy sa pagkakakitaan o pagpapabaya ng trabaho kaya.

Pinakamalamagandang halimbawa ang nagaganap mismo sa harapan ng City Hall, lalo na sa takipsilim.

Akalain mo bang mula takipsilim hanggang sa alas-10 ng gabi, walang makitang MTPB sa sobrang trapik sa harap ng city hall sa Taft Avenue kahit buhol-buhol ang trapik riyan.

Nasaan ang mga MTPB? Naroon sila sa kabila at nag-aabang ng mga may dalang paninda na mga traysikel at jeep.

Binabantayan din nila ang mga nagsi-swerve kuno. Magkano?

Punta ka rin sa Lerma, wala ring MTPB sa ganitong oras kaya ang trapik ay umaabot hanggang Qiapo. Kahit buhol-buhol ang trapik sa Lerma, walang paki ang mga ito.

Ang binabantayan din ay kung may masiraan dahil sa sobrang trapik.

Ang bibilis ang mga ito na magtawag ng wrecker para magkapera pa rin ang mga ito.

Magsimula sa Sta., Cruz hanggang sa kalakhan ng Tondo, alam ba ninyo na nasa gitna ng mga kalsada ang mga barangay hall?

Hindi rin nakikita ng mga MTPB ang mga ito bilang mga sagabal sa kalsada.

Bulag din ang mga ito sa mga basura na dulot ng mga junkshop na nagmamay-ari na rin ng mga kalsada.

Naririyan din ang mga vulacanizing at restawran na bara sa mga kalsada.

Hindi nakikita ng mga MTPB ang mg ito bilang mga sagabal sa mga lansangan.

Hindi ba Manila TRAFFIC and Parking Bureau ang MTPB? Bakit inutil ang mga ito sa TRAFFIC?

Kawawa naman si Mayor Erap na umaasang magtrabaho ang mga ito para sa maayos na trapik sa Maynila.

Pero yang maghanap naman ng pera ang pinagkakaabalahan ng mg ito. PAKUROT/LEA BOTONES


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Papa jack Love Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES