Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

BURI SIBAKIN NA SA MRT-3

$
0
0

DAPAT na talagang sibakin ang Busan Universal Rail, Inc. na maintenance provider ng MRT-3.

Dapat ding habulin ang mga bumili ng mga bagon na galing sa Tsina ngunit hindi namang compatible o bagay sa riles ng MRT-3.

PINAGKAKITAAN LAMANG

Kung pag-aaralan ninyo, mga Bro, ang mga kontrata sa buri ng MRT-3 na ipinapapasan sa gobyerno, anak ng tokwa, nasa P3.8-bilyon ito.

Ang pagbili naman sa mga Dalian train ay nagkahalaga ng aan kung paano masangkot ang isang huwes sa nasabing krimen.

Isa rito ang pagpapalaya sa sinomang klarong nadedemanda sa droga o hindi pagtanggap ng anomang kasong nauukol dito.

Maaaring matawag ang huwes na protektor ng mga sangkot sa droga dahil sa kanyang mga desisyong ginagawa pabor sa mga nasa droga.

Maaari ring magkaroon ito ng baligtad na desisyon gaya ng pagsasabing ang mga tapat na pulis, halimbawa, ay pinagmumukhang mangongotong sa mga sangkot sa droga.

Maaari rin itong direktang sangkot sa pagiging druglord, tulak o user o kaya’y katulad ng isang “ninja cop” na nagbebenta ng mga nakukumpiska nitong mga droga sa halip na gawing ebidensya sa kasong droga.

IBANG MGA SALA

Ayon sa Supreme Court, hindi napatunayang sangkot sa droga si Dagala kung bakit ito’y sinibak.

Sa halip, nagkasala ito sa hindi pagkontrol nito sa kanyang paglalaway sa babae.

Naging loverboy ito sa hindi niya asawa at naanakan pa nga nito ang kanyang waswit.

Imoralidad ang tawag dito na isang malaking kasalanan sa Hudikatura na nagsasabing dapat walang mantsa sa buhay ang sinomang maging huwes.

Nang makipag-away naman ito sa kanyang mga kapitbahay dahil sa agawan sa lupa, aba, nagwasiwas umano ito ng isang armalite.

Nagmistulang isang goon ito na hindi dinaraan sa ligal o hukuman ang kanyang problema.

Ninais umano nitong daanin sa santong paspasan ang problema at sa dulo pa ng malakas na kalibre ng baril.

At hayun, sinilip siya ng mga Hukom.

Pagpapakita umano ng masamang asal ang ginawa nitong daanin na lang sa barilan ang isang problema at siya pang huwes ang matapang.

DOBLE NA ANG SAHOD

Sa Enero 1, 2018, halos P30,000 na ang basic pay ng isang pulis, sundalo, bumbero at at iba pang katulad nila.

Ang sahod na ito, mga Bro, ay para lang sa Police Officer 1 sa pulisya, Private sa militar at katumbas ng mga ito sa hanay ng mga bumbero, jail guard, coast guard at taga-National Mapping and Resource Information Authority.

Nangangahulugan na matataas din ang sahod ng mas nakatataas sa kanila.

Resulta ito ng pangako mismo ni Pang. Digong na kanyang dodoblehin ang sahod ng mga ito upang hindi matukso na sumabak sa korapsyon at pang-aabuso sa kapangyarihan.

Habang hindi pa ganap na napapairal ito, mayroon na talagang pagkilos din ang Pangulo na itaas ang kita ng mga ito sa pamamagitan ng mga allowance, combat pay at iba pa.

Pero sa pag-iral ng bagong kita ang mga ito, mabubura na rin ang mga allowance na provisional o pansamantala habang wala pang batas talaga na nagtatakda ng pagtataas ng sahod nila.

SERBISYO AT ISKALAWAG

Ang layon naman talaga ng pagtataas ng sahod ay para gumanda ang serbisyo ng mga ito at katapatan sa tungkulin.

Kakambal nito ang pagpigil na rin sa kanila na gumawa ng mga kamalasaduhan at pang-aabuso sa tungkulin.

Inaasahan silang hindi na masasangkot sa droga at kotongan upang kumita.

Hindi rin sila dapat na magnakaw sa kaban ng bayan gaya ng nagaganap sa hanay ng mga koronel hanggang sa mga heneral na nakatatanggap ng mga pasalubong sa bagong puwesto at pabaon kung magreretiro o aalis na ang mga ito sa puwesto at mailipat sa iba.

Maglaan ang gobyerno ng nasa P63-bilyon para rito at tiyak na pipigain sa buwis ang nakararami para lang mga pulis, sundalo, jailguard, bumbero, coast guard at iba pa.

SANA

Sana nga, hindi na tayo makabalita ng mga pulis na pinagkakaperahan ang mga patay at punerarya, pangongotong at protektor sa droga o ninja cop kaya.

Sana wala nang mga coast guard na bestfriend ng mga ismagler.

Ang mga jailguard, sana wala nang mabubulag sa pagpasok ng mga droga at iba pang kontrabando na kanilang pinagkakakitaan, kasama na ang pagdaya sa badyet sa pagkain ng mga preso.

Sana rin, ang mga bumbero ay hindi na magiging ahente ng mga fire extinguisher at mameke ng mga ulat sa sunog para kumita sa fire insurance.

Sana ang mga nasa mapping at sundalo ay hindi makorap sa illegal logging at mining.

Sana nga, sana nga.

oOo
Anomang reklamo o puna, mangyaring i-text lamang po sa 09228403333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Best Papa jack Love Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>