Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MAY BATA-BATA SYSTEM NA MAY TANGGAPAN BLUES PA

$
0
0

pakurotHINDI lang makareklamo ang mga opisyal na  hindi maayos ang puwesto at floating status sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) dahil sa takot na rin na baka lalo silang hindi makapuwesto at ang masakit pa ay mapag-initan at masibak sa serbisyo.

Maaaring hindi ito batid ng officer-in-charge ng BJMP na si Chief Supt. Diony Mamaril dahil marami na rin ang nagbulong sa PAKUROT na tinatahak nito ang “Daang Matuwid” ni Pangulong Benigno Aquino III.

Sa madaling salita, hindi ito tumatanggap ng pera o lagay mula sa mga opisyal ng BJMP tulad ng ilang regional directors na humahawak ng mga kulungan.

Kaya naman sobra-sobra ang ginagawang pagwawalanghiya ng ilang regional directors sa kaluwagan at kabaitan ni Mamaril.

Isa na umano sa nagsasamantala kay Mamaril ay ang BJMP-NCR regional director na si Sr. Supt. Romeo Vio.

Bata-bata umano ni Vio ang warden  ng Caloocan City Jail na si Chief Insp. Melchor Chan.

Isang major lang ang humahawak ng kulungan na may mahigit 1,500 na preso samantalang ang nakaupo sa Valenzuela, Malabon at Navotas, mga kulungang may preso na halos 500 lang, ay pawang may ranggong superintendent.

Baka naman mas malaki ang lagay o parating na ibinibigay ni Chan kay Vio? Aba’y dapat itong alamin ng pamunuan ng BJMP.

Kung hindi naman ito kayang imbestigahan ng nasabing pamunuan, dapat ay kumilos ang Department of Interior and Local Government (DILG) na nakasasakop sa nabanggit na tanggapan.

Ibinulong pa nga ng isa sa mga nagrereklamong opisyal laban sa pamunuan ni Vio na limang porsiyento ang binabawas sa pondong tinatanggap ng mga warden para sa pagmamantina at pagkain sa kulungan.

Dati raw, apat na porsyento lang ang parating sa RD pero ginawang 5% dahil may kabahagi raw ang Commission on Audit (COA). Aba, pati ang COA ay idinamay pa. Dapat sigurong mag-imbestiga ang COA mismo kaugnay sa usaping ito.

Dapat na sumailalim sa lifestyle check ang mga opisyal ng BJMP upang matukoy kung sino-sino ang mga nagkakamal ng malaking salapi habang nagpapalamig sa kanilang silid tanggapan.

Nais ba ninyong ibahagi ang inyong karanasan sa opisyal at tauhan ng pulisya o pamahalaan at pribadong indibidwal? Maaari kayong mag-text sa 09215175814 o mag-email sa Santi_lean11@yahoo.com.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Girasoles para colorear


mayabang Quotes, Torpe Quotes, tanga Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Quotes To Move on and More Love Love Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 2017


Re:Mutton Pies (lleechef)


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


BARKADA TAGALOG QUOTES


“BAHAY KUBO HUGOT”


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>