Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

SENTIMYENTO PA SA KBP GOLDEN ‘DAW’ AWARDS

$
0
0

Allan-Encarnacion-mano_mano-web-copyMAY mga kaibigan tayong taga-radyo ang tumawag sa atin kaugnay ng tinalakay nating isyu ukol sa 21st KBP Golden “Daw” Awards Night.

Matindi ang sentimyento ng mga nakausap natin dahil may balita silang nagkaroon ng last minute changes sa mga winner.

May mga nambraso umano sa screening committee para hanggang sa huling sandali ay mabura sa mga awardee ang kanilang mga programa at pangalan.

Hindi ako magtataka kung may ganitong demoralisasyon  sa mga hindi nabigyan ng parangal dahil kung ako ang tatanungin, may mga tumanggap talaga ng awards na pagtataasan mo ng kilay.

Mas marami pang deserving at dapat nanalo subalit ginawa lang nominado para pampalubag-loob.

Kung hindi hihigpitan at talagang seryosong sasalain ng KBP ang kanilang paraan ng pagpili sa mga awardee, matutulad na lamang ito sa “take it, take it” syndrome na nangyari sa Manila Film Festival.

Magmula nang dapurakin nina Gabby Concepcion at Lolit Solis ang MFF awarding ay hindi na ito nakabangon. Bagama’t tuloy pa rin ang parangal taon-taon, nawalan na ito ng kagat
sa tao.

Bago pa nangyari ang kawalanghiyaan sa MFF, talagang inaabangan ang gabi ng parangal kahit pa hatinggabi abutin basta makauna lang kung sino ang magiging best actress, best actor, box office at best picture.

Malaki ang problema ng KBP ngayon dahil may mga taga-broadcast media ang nawalan na ng tiwala sa kanila.

Hindi dapat mangyari ito kung talagang airtight ang pagpili at objective ang kanilang screening na ginagawa.

Nakapanghihinayang dahil ang KBP ay kabilang na lamang sa iilan sanang may taglay pang kredibilidad na awards giving bodies.

Kaya maraming mga professional ang tuwang-tuwa kapag unibersidad ang nagbigay sa kanila ng parangal dahil ramdam nila ang kawalang malisya sa pagpapasya.

At dahil nga wala pang konek sa industriya, malayo pa sila sa pamumulitika at hindi pa siya namamantsahan ng bata-bata syndrome.

Kailangang magbalik sa pagkabata ang KBP upang makita nila ang purity at malice-free judging.

allanpunglo@yahoo.com


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Girasoles para colorear


mayabang Quotes, Torpe Quotes, tanga Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Quotes To Move on and More Love Love Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 2017


Re:Mutton Pies (lleechef)


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


BARKADA TAGALOG QUOTES


“BAHAY KUBO HUGOT”


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.