Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

BAUTISTA: ‘HUWAG NAKAWIN ANG AMILYAR SA QC

$
0
0

SIGURADO akong alam na alam ng lahat ng opisyal ng mahigit 40,000 barangay sa Pilipinas na ang mga pamahalaang barangay ay may parte sa nasisingil na amilyar ng mga pamahalaang lokal sa mga nagmamay-ari ng bahay at lupa, alinsunod sa iniutos ng Local Government Code of 1991 o LGC.

Ayon sa Seksyon 271 ng batas na ito, 30% mula sa ka­buuang amilyar na nasisingil ang parte ng nakasasakop na Pamahalaang Barangay.

Kaya, mapalad ang mga barangay na may mga subdibisyon o nagtatataasang gusali o condominium. Pero, kawawa naman ang mga barangay na karamihan sa mga naninirahan ay iskwater.

Ihalimbawa natin ang ginawa ng administrasyon ni Mayor Herbert Bautista sa Quezon City para sa ikatlong kwarter ng taong kasalukuyan.

May P7.3-milyon ang parte ng Distrito 1 sa kabuuang amilyar ng lahat ng barangay sa Distrito 1; P9.7M – Distrito 2; P17.9M – Distrito 3; P27.1M – Distrito 4; P33.2 M – Distrito 5; at P36.4M – Distrito 6.

Ang Brgy. Pasong Putik ang nakakuha ng pinakamalaking parte na P1,068,855.82. Sinundan ito ng Brgy. Nagkaisang Nayon – P1,062,398.36 at Brgy. Socorro – P948,514.84.

Malinaw ang nakasaad sa LGC na ang nasabing pondo ay dapat lang gamitin sa pagpapaunlad ng imprakstraktura, barangay at mga proyektong kabuhayan.

Tiniyak ng tanggapan ni Bautista na regular na natutugunan ng kanyang administrasyon ang obligasyon nito sa 142 barangay ng lungsod simula noong 2010.

Sigurado ako na ang gustong mangyari ni Mayor Bautista ay tugunan din ng buong katapatan ng mga opisyal ng mga barangay ang kanilang obligasyon sa kanilang parte sa real property tax at siyempre sa mga real property owner.

Sa madaling salita, ang punto ni Mayor Herbert Bautista ay walang magbubulsa ng pera ng mamamayan.

KATAHIMIKAN AT KAAYUSAN SA CALOOCAN

BUMABA ang naitalang krimen sa Lungsod ng Caloocan.

Ito ang gustong mangyari ni Mayor Oscar Malapitan kaya patuloy nitong tinutulungan at ibinibigay ang mga pangangailangan ng lokal na pulisya upang matiyak ang katahimikan at kaayusan sa lungsod.

Bilang tungkulin at obligasyon ng pulisya, lubos na umaasa si Malapitan na hindi magpapabaya si Senior Supt. Jemar Modequillo sa pagiging pinuno ng pulisya ng Caloocan. BADILLA NGAYON/NELSON BADILLA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Lagarto para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>