Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

WALANG IMPUNITY SA GIYERA SA DROGA

$
0
0

NAGSISILABASAN ang mga desisyon at rekomendasyon ng Philippine National Police-Internal Affairs Service ukol sa mga pulis na inaakusahan ng walang habas umanong pagpatay at paggawa ng iba pang krimen kaugnay ng giyera sa iligal na droga.

Kabilang sa mga kaso ang pagpatay kay Carl Arnaiz ng dalawang miyembro ng Caloocan Police, pagkidnap at pamemera ng 15 pulis ng Malabon kay Norma Andrales na isang druglord at iligal na pagpasok at pagnanakaw ng 11 pulis-Caloocan sa bahay ni Gina Erobas sa Caloocan.

Ang paglabas ng mga desisyon, mga Bro, ay patunay ng katotohanang hindi totoo ang akusasyong walang habas na paglabag sa karapatang- pantao ang pinaggagagawa ng pamahalaang Duterte sa mga mamamayang nauugnay sa salot na droga.

CARL ARNAIZ

Namatay si Carl Arnaiz sa isang lugar sa C-3, Caloocan City noong Agosto 19, 2017.

Ayon kay Inspector General Alfegar Triambulo, hepe ng PNP-IAS, sinadya nina Police Officer Jeffrey Perez and Police Officer 1 Ricky Arquilita, ng Caloocan PNP, na patayin si Arnaiz makaraang mahuli ito ng kanyang biktimang si Tomas Bagcal, isang taxi driver at dalhin sa isang istasyon ng PNP Caloocan noong gabi ng Agosto 18.

Tugma umano ang sinabi ni Bagcal na sadyang pinatay ng mga pulis si Arnaiz makaraang dalhin at ibalik ito sa lugar na pinangyarihan ng holdapan at panghuhuli kay Arnaiz.

Hindi lumaban kundi sadyang pinatay si Arnaiz batay sa pag-aaral sa mga posisyon ng mga balang tumama rito mula sa baril ng mga pulis.
Kasunod nito ang rekomendasyon na rin ni Triambulo na sibakin ang dalawang pulis sa serbisyo at sampahan na rin ng double murder.

NORMA DE GUZMAN ANDRALES

Kinidnap naman si Norma De Guzman Andrales ng mga Malabon Police na sina SPO2 Ricky Pelicano, PO2 Wilson Sanchez, PO1 Joselito Ereneo, PO1 Frances Camua, PO3 Luis Hizon, Jr., PO2 Michael Huerto, PO2 Jovito Roque, PO2 Michael Angelo Solomon, at PO1 Ricky Lamsen; SPO2 Jerry dela Torre, ng Criminal Investigation and Detection Group; at PO2 Bernardino Pacoma, ng Civil Security Group noong Mayo 20, 2017 sa kanyang bahay sa Quezon City.

Ito’y makaraang bumisita si Andrales sa kanyang asawa na nakakulong sa New Bilibid Prisons dahil naman sa droga.

Sinamsam ng mga pulis na ito ang mga mahahalagang gamit at alahas at salapi ng babae saka ito pinakontak sa isang source ng droga para bumili ng isang kilong shabu.

Makaraang makuha ang isang kilong shabu, hinati ng mga pulis ang droga at kalahati lamang ang idineklara ng mga ito saka binalaan ang babae na may mangyayari rito kung tutuga.

Ang PNP Counter Intelligence Task Force ang kumilos upang mahuli ang mga pulis-Malabon sa pangongotong ng P1.4-milyon kay Andrales at gumawa ng kababalaghan sa kantidad ng shabu na nakumpiska.

Pinakamatindi umano ang pag-iinteres sa shabu ng mga pulis at sa kabuuan, mismo si Pangulong Rodrigo Duterte ang nag-utos upang buwagin ang sindikato nina Pelicano.

At ngayo’y inirekomenda na rin sila ng PNP-IAS na masibak sa serbisyo at masampahan na rin ng mga karampatang kasong kriminal.

GINA EROBAS

Pinasok naman ng walang anomang warrant o kautusan ng korte ang pamamahay ni Gina Erobas.

Kabilang sa mga sangkot dito sina C/Insp. Timothy Aniway, Jr., S/Insp. Warren Tano Peralta, PO1 Ariel Furlo, Marvin Poblete, Sherwin Rivera, Jay Gabata, Sampang Sampurna II, Rene Llanto, Louie Serrano, Jaypee Talay, Ronelio Julaton, Jay-ar Sabangan, Jaime Natividad, Michael Angelo Miguel and Joey Leaban.

Kinasuhan si Aniway na station commander at mga bata niya ng pagnanakaw o robbery ng mga relo, cellphone at salapi at iligal na pagpasok sa tahanan makaraang isagawa ng mga ito ang kanilang krimen noong Setyembre 7, 2017 sa bahay ni Gina Erobas sa Brgy. Tala kaugnay ng ‘giyera’ nila sa droga.

Gumamit pa ang mga ito ng bata para sa pagnanakaw at isang pilay na armado ng baril sa kanilang operasyon. Nairekord ng CCTV sa bahay ni Erobas ang mga pangyayari.

Bukod sa pagkasibak sa serbisyo, mga kasong robbery, child abuse ang kabilang sa mga kasong kriminal na ihaharap sa mga ito.

IBANG LABANAN

Malamang na aprubahan ni PNP chief Ronald ‘Bato’ dela Rosa ang rekomendasyon ni Triambulo na pagsibak sa mga nasabing pulis.

Ito’y dahil sa mga ebidensya sa kanilang imbestigasyon na nagbunga ng pagiging guilty ng mga ito sa mga kasong administratibo.

Malamang din na uusad sa hukuman ang mga kasong kriminal na isasampa ng Department of Justice laban sa mga ito.

Kung mananalo o hindi ang DOJ o ang bayan laban sa mga pulis sa mga hukuman ay ibang usapan.

Sapagkat mas mabigat ang kakailanganing ebidensya laban sa mga pulis sa mga kasong kriminal.

Wala ring nakatitiyak kung ano ang magiging desisyon ng mga hukuman.

Sa kaunting pagdududa kasi sa mga bintang at ebidensya, karaniwang pinawawalang-sala ng mga hukuman ang mga akusado.

O pinagpipiyansa muna ang mga ito kung piyansabol ang mga sumbong o akusasyon.

Pero ang mahalaga sa ngayon ay umaaksyon ang pamahalaan sa mga sumbong ng mamamayan at hinahatiran ang mga ito ng makatarungan desisyon upang mapigilan ang mga pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga pulis.

oOo
Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring iparating sa 09228403333 o i-email sa bantiporda@yahoo.com. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Papa jack Love Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.