BIGYAN naman po natin ng pagkakataon na mailabas ng ating mga mambabasa ang kanilang mga nalalaman, paniniwala, reklamo, suhestiyon at iba pa.
Heto po sila.
DROGA SA SUBIC
Magandang gabi po sa inyo.
Ako po si kapatid na Edgardo F. Sandoval, taga-0935 San Isidro, Subic Zambales.
Nakikiusap po sana ako kay Kapitana Sawey na maglagay naman ng ronda sa amin lalo’t marami nang kabataan ang naliligaw ng landas.
Halimbawa na lamang ang isang Christian na hindi ko namukhaan dahil nakatakip ang mukha.
Lalo’t wala ako sa amin ngayon at namamasada po ako ng jeep.
Baka ang pagbalingan naman niya ay ang nanay ko lalo’t nag-iisa ngayon sa gabi roon sa amin. 0998453….
NABANGGA SA KAMPANYA
Gud eve po.
Alam n’yo, kayo lang po ang aming sumbungan.
Naaawa kami sa kapwa naming driver ng tricycle na nabangga ng driver ng mga nangangampanya rito sa amin sa 4th District ng Quezon City.
Ang mga tao ni Kagawad Rillo ang nakabangga at basta iniwanan na lang ang driver.
Ganoon na lang ba at ‘di pa nananalo, siga na ang mga tao niya?
Walang ginawa kundi mag-sorry lang, eh, nanakit ang hita ng tao gawa ng pagkaipit at lumayas na lang sila.
Kawawa ang driver. Kahit masakit, nagbiyahe pa rin siya para lang makasapat siguro sa pamilya ang kanyang kita.
Para sure po kayo sa sumbong tawagan n’yo po ako.
Sabi nila tatawagan ako at si Kagawad Rillo pero hanggang ngayon po ay wala silang concern. 0947628….
AGE LIMIT TANGGALIN
Good day po.
Isa ako sa mga tagasubaybay ng kolum ninyo.
Ang hirap sa ating gobyerno ngayon, puro pangako.
Dapat sanang gumawa sila ng batas na tanggalin sa kompanya ang age limit sa mga hiring nila.
Ang daming Pinoy na skilled worker na walang trabaho ngunit may edad na.
Kaya ang daming mahirap na Pinoy dahil sa age limit. 0999800….
PUNA SA PBA PLAYER
Sir, magandang araw po.
Pakipuna naman po itong PBA player na si Abueva.
Sobrang yabang niya, akala mo kung sino siya nang nakapasok na siya sa PBA. 0922471….
MAUUSOK NA SASAKYAN
Dapat hulihin ang mga sasakyan na mauusok dito sa EDSA. 0910746….
BATAS PARA WALANG ISTAMBAY
Ang ganda sana kung may plano ang Department of Labor and Employment, National Economic Development Authority at ang buong gobyerno na magpasa ng batas na walang istambay sa Pilipinas.
Tiyak na walang gutom at kahirapan. Kailangan ng trabaho ng bawat Filipino.
Pamimiliin ang bawat Filipino ng trabaho ayon sa gusto nila.
Kung magsasaka, factory worker, pulis, guro.
Sa walang natapos sa pag-aaral, construction worker, magtatanim ng mga puno sa bundok, paglilinis ng ilog, kalsada at paggawa ng mga dike sa binabahang lugar.
Ito ang nakikita kong solusyon sa labis na kawalan ng empleyo.
Ewan ko kung bakit hindi ito nakikita ng mga politiko na matatalino raw.
Mga abogado, mga magna cum laude, mga nag-aral sa mga tanyag na eskwelahan sa America.
Ang simpleng problema ng bansa hindi nila nakikita.
Sinasabi nilang walang budget ang gobyerno.
Pero bakit naman sila nagkukumahog na tumakbong senador, gobernador, congressman, mayor at bokal ng bayan kung walang pera, ‘di ba?
Gagastos nang malaki at babawiin ito kapag nanalo. 0909679….
TRAK NG BASURA
Iyong truck ng basura rito sa Florante St., Pandacan, Manila ay 5 araw lamang sa isang buwan kung manghakot. 0910746….
LIBRENG MATRIKULA
Dahil sa hirap ng buhay, itigil muna ang pagtaas ng matrikula at bawasan ang miscellaneous fees sa mga eskuwelahan.
Sana walang lagayan sa CHED! 0909591….
PROBLEMA NG HOME OWNER
Good pm, Remate. Meron lang sana kaming ipararating d’yan at ukol ito sa mga opisyal ng Estrella Homes sa Kawit, Cavite, lalo na sa mga opisyal ng homeowners association sa Estrella Homes PH.1 at PH. 2.
Buwan-buwan na naniningil sila ng monthly dues pero walang nakikitang project na ginagawa.
May mga pakulo na pakontes daw para makabili ng cctv.
May pabingo-bingo pa, may muse-muse at Miss Estrella pa.
Ngunit kung nakalikom na ng pera, walang nakikita na malinaw at pang-asosasyon na pinagkakagastusan ng mga namumuno.
Pakiimbestiga lang sa namumuno ng Borland Developer, maging sa munisipyo ng Kawit, ang anomalyang ito. 090849….
NAKAW LOAD
Paano patitigilin ang pagnanakaw ng load sa Globe. 0917741….
MAGNANAKAW HUWAG IBOTO
Mga kababayan, ‘wag nating iboto ang mga kandidatong nagpapayaman at naghahanap ng kakutsaba sa Senado upang manatili ang kanyang impluwensiya na maghari-harian sa Se-nado at walang balak tulu-ngan ang mga mahihirap. 0909679….
oOo
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa 09214303333.