Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

HEALTH & TRAVEL @ SERBISYO PUBLIKO 9:00-10:00AM – LUNES HANGGANG LINGGO

$
0
0

hilda-online-logoNGAYON  ang unang araw ng “Health and Travel @ Serbisyo publiko” sa himpilang DWSS 1494 kHz sa ganap na ika-9:00 hanggang 10:00 ng umaga, tuwing araw ng Sabado at Linggo. Araw-araw na mapakikinggan ang programa sa isang oras, 9:00-10:00AM  sa dalawang station. Monday to Friday sa DWBL 1242kHz at Saturday & Sunday sa DWSS 1494kHz.

Ang Health & Travel @ Serbisyo Publiko ay isang programa na tunay na kapaki-pakinabang sa sambayanang tagapakinig, sapagkat nagbibigay ito ng mga kaalaman tungkol sa kalusugan, mga aralin sa wikang mandarin at fookien, touching moments na may aral, modus operandi, payo at aral at mga panayam sa mga ahensya ng gobyerno na nagbibigay ng linaw sa mahahalagang issues na dapat malaman ng mga tao.

Hindi madali ang pakikipagpanayam ukol sa usaping kalu-sugan at pagbabalita tungkol sa iba’t ibang isyu, sapagkat nangangailangan ito ng masusing pananaliksik, konsultasyon at pagbabasa, upang makakalap ng mapananaligang artikulo. Ang maling impormasyon ay maaaring mag resulta sa mas malaking panganib sa kalusugan ng bawat isa.

Bilang isang self-confessed environmentalist, alam ni Dr. Ong na ang mga isyu na may kinalaman sa environment and natural resources ay malapit sa puso ng bawat Filipino dahil sa mga karanasang palaging pagdaan ng mga natural na kalamidad. Parami nang parami sa mga Filipino ang nagiging mapagbantay ng nauukol sa kalagayan ng kapaligiran at natural na pinagkukunang yaman ng bansa.

Dahil na rin sa dedikasyon, at debosyon sa patuloy na pagtatanggol sa kagubatan sa pamamagitan ng mga regular na panayam at mga pagbabalita sa iba-iba nilang aktibidad ukol sa kagubatan. Ang programang Health and Travel @ Serbisyo Publiko ay ginawaran ng ”Gawad Muyong” award ng Anti-Illegal Logging Task Force.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Girasoles para colorear


mayabang Quotes, Torpe Quotes, tanga Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Quotes To Move on and More Love Love Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 2017


Re:Mutton Pies (lleechef)


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


BARKADA TAGALOG QUOTES


“BAHAY KUBO HUGOT”


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.