ANG Maynilad Water Services, Inc. (Maynilad) ay nagbibigay ng serbisyo sa paglilinis ng tangke ng septic sa mga residential and semi-business customers sa mga piling bahagi ng Caloocan, Maynila, Makati, Malabon, Muntinlupa, Navotas, Parañaque, Quezon City, at Valenzuela nang walang dagdag na gastos.
Ang mga customer ng Maynilad na naninirahan sa Brgy. 20 hanggang 23, 160 hanggang 167, 170, 172, 174, 176, at 178 sa Caloocan; Brgys. 587-636 sa Sampaloc, Maynila; Palanan at San Isidro sa Makati; Acacia, Longos, Potrero, Tinajeros, at Tugatog sa Malabon; North Bay Boulevard-South, San Rafael Village, at Tanza sa Navotas; Baesa, Bahay Toro, Payatas, Santa Monica, Sauyo, Talipapa, at Tandang Sora sa Quezon City; at Gen. T. De Leon at Ugong sa Valenzuela ay maaaring mapakinabangan ang serbisyong paglilinis na ito, na karaniwang nagkakahalaga ng humigit-kumulang sa P4,000 bawat trak.
Ang mga kostumer na nasa bahagi ng timog ay maaari ring mapakinabangan ang serbisyong ito, lalo na mula sa Cupang, Putatan, at Tunasan sa Muntinlupa; BF Homes, Don Bosco, Merville, Multinational Village, at Sun Valley sa Parañaque; at Queens Row Central, Queens Row East, at Queens Row West
sa Bacoor, Cavite.
Ayon kay Ramoncito S. Fernandez, Pangulo at CEO ng Maynilad na ang programa ng sanitasyon ay bahagi ng pagsisikap ng Maynilad upang mabawasan ang pag-labis ng polusyon, “Hinihiling namin sa aming mga kostumer na mapakinabangan ang serbisyong ito upang protektahan ang kalusugan ng komunidad at kapaligiran.”
Ang mga kostumer ng Maynilad na interesado makapag-avail ng septic tank cleaning service ay maaaring tumawag sa Maynilad Hotline 1626 upang alamin kung ano ang mga kinakailangan at pamamaraan. Ang karagdagang impormasyon ay makukuha rin sa website ng kumpanya, www.mayniladwater.com.ph, at mga social media account (Twitter @ maynilad, Facebook: MayniladWater).
DENR NAMAHAGI NG SOLID WASTE SHREDDERS SA REHIYON NG BIKOL
Naghandog ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa pangunguna ni kalihim Roy Cimatu ng shredding equipment at technical assistance patungkol sa epektibong pamamahala sa basura sa ilang lokal na pamahalaan sa rehiyon ng Bikol.
Ilan sa mga munisipalidad na nakatangap ay ang Oas at Manito sa probinsya ng Albay; Barcelona, Magallanes, at Matnog sa Sorsogon; Pio V. Corpus sa Masbate; at San Andres sa Catanduanes.
Ayon sa DENR, makatutulong ang mga kagamitang ito sa pagpapatupad ng Republic Act No. 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000.
“Ang papel ng DENR ay gabayan ang lokal na pamahalaan sa anomang pagsubok sa implementasyon ng R.A. 9003. Pinagkalooban namin sila ng mahahalagang kagamitan at technical assistance upang palakasin ang kanilang pagsunod sa batas” paliwanag ni Cimatu.
Nagbigay din siya ng abiso hingil sa paglikha ng sanitary landfill. Aniya, may kamahalan man ngunit ito ang tamang pamamaraan batay sa R.A. 9003. Kaya naman, magbibigay sila ng ilang pagpipilian sa para sa mga munisipalidad na may mababang kita.
“Ang Development Bank of the Philippines ay handing magpautang sa mga munisipalidad na ito,” dagdag niya.
Samantala, ilan pa sa mga mapagkakalooban ng shredders para sa pag-pu- proseso ng nga dumi sa kanilang pamilihan ay ang Bulan sa Sorsogon; Virac at San Andres sa Catanduanes; San Fernando sa Masbate; Ocampo at Tigaon sa Camarines Sur; Camalig at Oas sa Albay; at Jose Panganiban at Daet sa Camarines Norte. HILDA ONG
