MALINAW na tapos na ang maliligayang araw ng CPP-NPA sa administrasyong Duterte.
Napuno na kasi ang salop ng pinuno ng bansa dahil sa kawalang sinseridad ng CPP-NPA-NDF sa pakikipag-usap sa pamahalaan.
Ang gusto kasi ng mga komunista at ngayon ay teroristang grupo ay magpatuloy ang kanilang paghahasik ng lagim sa bansa sa kabila ng tigil-putukan na idineklara ng pamahalaan.
Mag-uusap sa Netherlands pero sa kanayunan ay patuloy ang pag-atake ng NPA sa ating mga kapulisan at kasundaluhan na malinaw na isang paglabag at pambabastos sa usapang pangkapayaan.
Tiwala ang nawala sa parte ng punong lider ng gobyerno na tugma lamang sa inasal ng mga terorista kaya’t tama lamang na tapusin na ang taon labanan na ang talunan ay taumbayan.
Dapat na ring papanagutin ang mga lider ng CPP-NPA -NDF sa kanilang mga kasalanan sa bayan dahil marami-rami na ring nagbuwis nang buhay na mga inosenteng sibilyan.
Tuldukan na ang paghahasik ng karahasan ang gusto ni Digong sa CPP-NPA at diyan 100 percent ay kakampi niya ang mamamayan.
###
Lahat ng itinalagang gabinete ni Pangulong Duterte ay puro masisipag.
Hindi maitatangging napakabilis ng mga proyektong isinasagawa kung ikukumpara sa kahit sinong rehimen na nagdaan maliban lamang kay Marcos.
Malinaw ang instruction ng Pangulong Digong sa lahat at iyan ay mag trabaho ng mag trabaho para sa bayan.
Masipag ang Pangulo dapat masisipag din ang kanyang mga tao. ALINGAWNGAW/ALVIN FELICIANO
