WALANG kaduda-duda na tataas nang malaki ang bayarin ni Juan dela Cruz sa kuryente sakaling tuluyang payagan ng mga mambabatas ang dagdag na Coal Exise Tax.
Nagsabi na ang coal at electric distributors na kanilang ipapasa sa end consumers ang dagdag na buwis at isisisi sa dagdag na buwis.
Mahigit 1/3 ng suplay ng kuryente sa bansa ang galing sa Coal Fired Plants na pinakamura ngunit pinakamarumi at malakas na magparumi ng kapaligiran.
Nagsulputang parang kabute ang naturang planta noong rehimeng Aquino na ang layunin ay maibsan ang bigat ng kakulanan ng kuryente.
Ang excise tax na ibinabayad ng mga negosyong ito ay 10 piso lang bawat metriko tonelada mula pa noong 1977.
Dapat ay igiit ng mga mambabatas na saluhin ng coal operators at distributors ang dagdag na buwis. “Moderate your greed,” ika nga ni ex-Sec. Romulo Neri. Parang binibigyan tayo ng kendi ng distributors at biglang babawiin sa mga sususunod na buwan.
Dahil dito, dapat nang bigyan ng diin ng Department of Energy ang pagtatayo ng environment friendly plants gaya ng hydro electric, natural gas at iba pa upang magkaroon tayo ng malaking kontribusyon sa Clean Air Act.
+++++++
Hiling ng maraming Filipino lalo na ang mga nasa middle at lower income bracket na huwag nang payagan ang dagdag na buwis sa produktong petrolyo upang makalikom lamang ng kinakailangang pondo para pagkunan ng pondo sa build . . .build . . . .build . . . project ng Duterte government.
Tiyak na magdudulot ito ng pagtaas ng lahat ng bagay dahilan sa magkakaroon ito ng domino effect sa lahat ng bilihin lalo na ang mga tinaguriang prime commodities.
Oo nga’t magkakaroon ng adjustment sa tax exemption ang mga empleyado ngunit sobra naman ang bawi sa tax.
Ito ay nangangahulugan ng mas lalong pahirap sa atin dahilan sa pagtaas ng lahat ng bilihin na kulang pa sa ibinigay na exemption sa buwis.
Umiiyak ang mahihirap na hindi naman nag-eempleyo at umaasa lamang sa pagtitinda na hindi naman bahagi ng makikinabang dito ngunit kasali sila sa pagtaas ng mga pangunahing bilihin.
++++++
2Peter 3:13 But we wait for what God has promised. New havens and a new earth where righteousness will be at home. WATERING HOLE/SAMMY MARTIN