Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

BAWAL NA RAW

$
0
0

BAWAL na raw ang magarbong Christmas party at maningil ng kontribusyon sa lahat ng estudyante sa pampublikong elementary at hig school para raw sa nalalapit na pagdiriwang ng Christmas sa mga eskuwelahan.

Aba’y ano ba naman ito, Department of Education Sec. Leonor Briones? Pati ba naman ang magarbong Christmas party ay ipinagbabawal pa ninyo. Minsan na nga lang ito sa loob ng isang taon na makapagsalo-salo ang mga estudyante kasama ang kanilang mga titser para sa pagsalubong sa araw ng kapanganakan ni Jesus Kristo ipagkakait pa ninyo. Pesteng yawa!

Okey lang namang limitahan ninyo sa paniningil ng malaking kontribusyon sa mga mag-aaral pero kung pati ba naman ang pamamaraan na pagarbuhin ang nasabing okasyon ay maliwanag pa sa sikat ng araw na pakikialam na ito, Ma’am Leonor!

Karapatan ng mga estudyante at titser na iselebreyt ang Christmas ayon sa gusto at wala tayong pakialam roon.

Minsan na nga lang sa loob ng 360 days na pagsusunog ng mga kilay ng mga estudyante sa pag-aaral ay ipagbabawal pa ninyo na maging magarbo ang kanilang Christmas party.

Anong gusto ninyo, kumain na lang ng matsakaw ang mga titser at estudyante sa Christmas party?

E, ano kung magselebreyt sila nang magarbo?

Pera ba ng DepEd ang ipanggagastos nila?

Hindiiiiiiiiiii………, ‘di ba?

MAGKA…NO?

Bakit ganu’n, may pinipili ang chief of police ng Sta. Rosa, Laguna pagdating sa panghuhuli nila sa mga bookies ng STL.

Tanging ang magbu-bokies na si Mac-mac ng Sta. Rosa lang ang hindi pinahuhuli.

Anong mayroon o magkano ba ang cashunduan, kung mayroon man, na namamagitan kina Sta. Rosa COP Supt. Harold Depositar at Mac-mac.

Bakit, bakit, bakit at magkano?

oOo
Anomang puna o reklamo, i-text sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


PreSonus FireBox - handly interfaccia


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tropa Quotes


Top 10 Best Tagalog Friendship Quotes and Sayings | mrbolero


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 11.5.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>