Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

EMPLEYADANG MASUSUNGIT NG VILLARICA FEELING BEAUTIFUL

$
0
0

INIREREKLAMO at ipinasisibak ng mga kostumer ang ilang empleyada ng Villarica Pawnshop o Western Union na pag-aari ni Mecauayan City, Bulacan Mayor Henry Villarica.

Matatagpuan ang mga empleyada sa branch ng Villarica Pawnshop- Western Union sa San Jose City, Nueva Ecija.

Aba, Mayor, baka hindi alam ng mga empleyada ninyo na ang perang pinasasahod ninyo sa kanila ay galing sa katas ng mga kostumer ninyo sa pawnshop.

Basahin natin ang reklamo.

Dear Mr. Johnny Magalona: Sana po ay matulungan ninyo kaming mga kostumer ng San Jose, Nueva Ecija na kumukuha ng remittance sa Western Union na sister company rin ng Villarica Pawnshop na pag-aari ni Mecauayan Mayor Henry Villarica.

Palagi pong off line ang sinasabi ng dalawang masungit na empleyada rito. Kesyo walang internet at kundi hindi naman ay lagi raw nagluluko ito. Palagi raw nag-o-offline sa tuwi-tuwina na sinasabi naman sa mga kostumer nila.

Sana, Sir Johnny, sa pamamagitan ng inyong pitak ay maiparating ninyo sa pamunuan na pinakamataas na kinauukulan ng Villarica Pawnshop, lalong-lalo kay Mayor Villarica, na sinisira ng dalawang masusungit na empleyada na ito ang kanyang negosyo.

Sana rin, Sir Johnny, ay maiparating din ninyo kay Mayor Villarica ang aming suggestion sa kanyang mga pamunuan na maglagay ng mga costomer service sa bawat branch, lalong- lalo na rito po San Jose City, Nueva Ecija.

Kawawa naman po kaming mga kostumer na pinahihirapan ng dalawang masungit na empleyadang taga-Bulacan daw sa palitan at remittance rito po sa Nueva Ecija.

Sana, Sir Johnny, maipaabot din ninyo sa kaalamanan ni Mayor Villarica na palaging offline ang remittances dito, lalo na po sa Western Union.

Pasensya na po, Sir Johnny, na-late ang reply ko sa inyo dahil po naubusan na ako ng load kaya hindi ko na nasagot ang inyong tanong tungkol sa mga pangalan ng dalawang masungit na empleyada ng Western Union.

Maraming-maraming salamat po at sana’y maaksyunan ni Mayor Villarica ang aming mga hinaing.

Belated Happy New Year po sa inyo, Boss Johnny!!! JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Lagarto para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>