Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PATIKIMIN NA ‘YANG TERORISTANG BIFF

$
0
0

SUNOD-SUNOD ang isinasagawang pagsalakay ng teroristang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) partikular na sa Maguindanao, isa sa mga grupo na hadlang sa pagkakamit ng kapayapaan sa Mindanao.

Nitong pagpasok ng bagong taon ay dalawang insidente ng pambobomba ang isinagawa ng BIFF kung saan isang pulis at isang sibilyan ang nasawi at pitong iba pa ang sugatan.

Patunay lang iyan na talagang kinakailangan pa ang patuloy na pagpapairal ng martial law sa Katimugan bagaman naisalba na ang Marawi City sa pagkubkob ng Maute Group.

Dapat maging puspusan din ang pagtugis sa mga bandidong BIFF at gayundin sa Abu Sayyaf sa lalawigan ng Sulu.

Hindi na dapat magpatiyope-tiyope ang Armed Forces of the Philippines sa paghabol sa mga grupong iyan na namayagpag sa nagdaang mga taon dahil sa pagpapabaya ng pamahalaan.

Namimihasa na ang mga demonyong iyan.

Kung ayaw ng BIFF na makilahok sa pagsulong ng usapang pangkapayapaan at patuloy nitong sasalakayin ang mga tropa ng pulisya at AFP sa Maguindanao, walang dahilan para patawarin ang mga ito.

Ang BIFF ay sangkot sa maraming insidente ng terorismo kabilang na ang pagmasaker sa mga miyembro ng media at sa kaso ng Special Action Force (SAF) 44.

Panahon na para tuldukan ang pamamayagpag ng grupong iyan.

Panahon na para ipatikim sa mga iyan ang puwersa ng AFP tulad ng sinapit ng Maute Group at Abu Sayyaf sa Marawi City. DEADSHOT/ERWIN TULFO


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Best Papa jack Love Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


Inggit Quotes and Taray Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>