ISANG tunay na bayani na maituturing ang nasawing lalaki na empleyado ng NCCC Mall sa Davao na tumulong sa 83 na katao na empleyado ng SSI Call Center na muntik nang ma-trap sa sunog sa nasabing gusali.
Kung hindi dahil sa kabayanihan ni Melvin Gaa ay baka hindi lang 37 ang pamilyang nagluluksa ngayon kundi maging ang mga pamilya ng 83 katao na nasagip ni Gaa.
Bilib ako sa kabayanihan nitong si Gaa, walang makapapantay sa kanyang ginawa na mas inuna pa niyang maisalba ang buhay ng 83 katao kaysa sa kanyang buhay.
Si Gaa ay isang inventory clerk ng NCCC Mall at isa rin siyang emergency action team ng NCCC Mall na trained disaster respondent ng nasabing gusali.
Bihira sa mga tao ang kagaya ni Gaa dahil bukod sa mga nasagip nito ay tinangka pa niyang balikan ang iba pang mga tao na na-trap subalit sa kasamaang-palad ay nasama na rin siya sa mga natupok.
Napakasakit ‘di po ba,sa isang tao kagaya ni Gaa na mas pinli pa niyang mabuhay ang 83 katao na nata-trap sa nasabing gusali pero dahil sa tawag ng kanyang tungkulin bilang isa sa mga well-trained disaster team ng kompanya ay mas ninais pa niyang ibuwis ang buhay.
Isang huwaran kang bayani Ginoong Gaa, sayang nga lang nasama ka sa mga natupok…
Mabuhay ka, saludo kami sa ‘yo, maging sa ‘yong pamilya.
SUGALAN SA BAGUIO PADER
PADER pa rin ang mga pasugalan na bakarat at pa-drop balls ni Patrick sa Bocawkan at Dampa sa Legarda St., Baguio City at ni hindi man lang natinag si Baguio City Mayor Mauricio Domogan sa ating mga puna at puro yata pagpapasasa ang ginagawa niya!
Hindi ko sinasabi na may payola si mayor, pero bakittttt?
Maging ang puwesto pijo ng pasugalan nina Kap. Biagtan at Ka Nestor sa Kayang ay libre operasyon.
Wala ring tigil maging ang pasugalan ni Toyoy sa Dangwa Terminal sa likod ng Center Mall at ni alyas Budha naman sa Slaugther sa Sto. Niño.
Magkano, este, bakiittttttt nga ba?
oOo
Anomang puna o reklamo ay i-text sa puna o reklamo i-text sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA
