Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

HINDI KADRAMAHAN ANG MALAGAY SA PANGANIB ANG ANAK

$
0
0

WALA na yatang konsensya si dating Health Secretary Janette Garin na nasasangkot sa kontrobersya ng pumalpak na Dengvaxia.

Sabihin ba naman niya na nagdadrama na lang ang mga magulang ng mga batang naturukan ng nasabing “nakamamatay” na bakuna.

Kasi’y noong nakaraang pagdalo niya sa pagdinig ng Senado ukol sa nasabing isyu ay kinompronta siya ng mga bata at magulang na “nabiktima” ng Dengvaxia dahil isa siya sa pangunahing sinisisi ng mga ito.

Nakita ang pagkatakot ni Garin sa nangyari dahil nakita niya ang galit at sama ng loob sa kanya ng mga magulang at bata na biktima ng kanilang “kapalpakan” ng kanyang patron na si Noynoy Aquino.

Sinisisi ni Garin ang Public Attorneys Office sa ginagawa aniyang pang-uurot o pangsusulsol sa mga biktima upang lumikha ng hysteria.

At sabi niya, nagdadrama lang ang mga ito. Hanep ka rin naman pala ex-Sec. Garin.

Isa ka rin namang magulang siguro. At alam ninyo kung paano mag-alala at matakot habang nalalagay sa isang hukay ang buhay ng iyong anak. Hindi po iyon kadramahan, Sec. Garin.

Para namang wala na kayong konsensya at puso niyan sa inyong akusasyon. Wala na kayong habag.

***

Mapatunayan n’yo mang ginagamit ni Atty. Persida Acosta ang isyu ng Dengvaxia para sa kanyang anomang “ambisyon” sa pulitika, aba’y nagpapasalamat pa rin kaming mahihirap, lalo ang mga biktima ng Devaxia.

Kung hindi pa sa sinasabing “ambisyon” ni Atty. Acosta, baka nakalimutan na ang isyung ito? Baka napabayaan na ang mga bata?

Baka wala ngayong hysteria na kumukutkot sa inyong konsensya kung may konsensya ka pa? Baka wala sa inyo ngayong naghahabol ng amo mong si Noynoy?

Baka hindi ka ngayong nahaharap sa kaso patungo sa pagkakulong kasama ng boss mo? Baka masayang-masaya ka pa ngayon?

Baka nagpapatuloy ang pagtuturok ng Dengvaxia sa mga batang anak ng mahihirap na magulang na ginawa ninyong hayop?

Baka patuloy na dumami ang mga magulang na humahagulgol at nag-iiyakan sa mga ospital dahil namatayan ng anak sa pagsabog ng utak at internal organs dahil sa lasong gamot na ipinakalat ninyo?

Malinis ang inyong konsensya kamo? E ‘di wow! KANTO’T SULOK/NATS TABOY


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Lagarto para colorear


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


Long distances monthsary message tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>