Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

NPC PRESIDENCY

$
0
0

188640_Bn75x75KALIWA’T KANAN ang pagkumbinsi sa akin na kumandidato.

Pero tapos na lahat ang oras para sa filing of certificate of candidacy para sa 2013 elections.

Masyado namang maaga para sa 2016 polls kaya tinanong ko ang mga kumakausap sa akin kung saan ba nila ako gustong patakbuhin. Sa isip-isip ko, sana lang huwag sa Maguindanao o sa Lanao dahil unang-una, hindi ako rehistradong botante roon.

Ngayon palang ay aaminin ko na sa inyo na wala akong planong pasukin ang pulitika. Naniniwala kasi akong kapag hindi ka kandidato kakampi mo ang lahat pero sa isang kisap-mata, marami ka nang kaaway kapag nagsimula ka nang tumakbo.

Tatapatin ko na kayo, maraming kumukumbinsi sa akin na kumandidatong pangulo ng National Press Club. Ang NPC na isang institusyong magmula pa sa unang araw ng pagsusulat ko sa Abante noong July 18, 1989 ay naging kanlungan ng ating mga kasama sa hanapbuhay.

Hindi pa man natatapos ang termino ng amo nating si Benny Antiporda bilang NPC president ay marami na palang nagbubuo ng mga lineup para sa eleksiyon sa Mayo ng susunod na taon.

Paulit-ulit na akong hinimok na kumandidato kahit director sa NPC o sa kahit anong posisyon pero nito lang mga huling linggo ko narinig ang alok na maging presidente ng isa sa pinakamatandang asosasyon ng mga media sa bansa.

Kung ayaw ko naman daw tumakbong pangulo, baka puwede naman akong maging bise-presidente para magsimula ng bagong trending sa NPC. Mataas ang respeto natin kay Benny at kay former NPC president Jerry Yap dahil wala namang duda at walang makikipagdebate sa akin kung sabihin kong sila ang nagsaayos ng mismong NPC building mula sa compound, opisina, hanggang sa pagpapalit ng bagong elevator.

Sino ba naman ang hindi nangangarap na maging bahagi ng pagtulong, lalo na sa mga kapatid natin sa media.

Kaya nga noong mga panahong binibiro ako nina NPC Director Nats Taboy at Vice President Marlon Purificacion na  kumandidato, ang palagi ko lang sinasagot ay hindi.

Pabiro kong sinasabi sa kanila na tatakbo lang ako kapag ako na ang common candidate ng lahat ng mabubuong partido.

Sa paraang ito lamang ako makatitiyak na wala akong makaaaway at wala akong masasaktan.

Kaya nga nang maglaban sina Benny at Percy Lapid sa pagkapangulo, iyon ang eleksiyon sa NPC na hindi ako bumoto at hindi nagpakita sa kahit kaninong miyembro.

Sa sobrang pag-ibig ko kina Benny at Percy, hindi na ako nakibahagi sa kahit anong proseso sa NPC election para hanggang ngayon ay manatili ang aming respetuhan at pagmamahalan.

Sa tanong kung tatakbo nga ba ako sa NPC.

Let us see, sobrang maaga pa para pag-usapan ‘yan. Unahin muna natin ang eleksiyon sa Lunes, Mayo 13 at later na natin pag-usapan ang NPC election.

allanpunglo@yahoo.com


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Best Papa jack Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>