SINUSUPORTAHAN ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) ang direktiba ni DOTR Secretary Art Tugade na pag-aralan ulit ang paglagay ng limit na 45,000 units lang na TNVS ang papayagan at tatanggapin ng LTFRB.
Bagama’t sa simula pa lamang, noong ako ay Board Member ng LTFRB, ang posisyon ko talaga sa issue na ito ay dapat maglagay ng limitation sa dami ng TNVS units na papayagan.
October 2015 ay sumulat ako kay dating DOTC Secretary Emilio Aguinaldo “Jun” Abaya at nag- suggest ako kay Sec. na ihinto muna ang pagtanggap ng application ng TNVS at i-review muli ang sistema dahil nakita ko na nga ang pagdagsa ng applications noon pa man.
Higit tatlong libo pa lamang noon ang nag-a-apply.
Tandang-tanda ko noon na APEC ‘yun dito sa Pilipinas at nagkomento pa nga ang rep ng Uber noon na umatend ng APEC na hindi nila kailangan ang dikta ng pamahalaan sa kung ilan dapat ang ia-accredit nila na unit at alam nila kung ilan ang dapat payagan.
Ibinasura ang sulat ko na sinabing isang opinyon ko lang ‘yun.
Makalipas ang panahon ay ipinatigil nga ng bagong Board sa pangunguna ni Chairman Martin Delgra na ihinto muna ng LTFRB ang pagtanggap ng bagong applications.
Ngunit tumuluy-tuloy nga ito hanggang libo-libong kolorum ang naging resulta. Nangyari nga ‘yung kinatatakutan ko.
Ngayon ay may cap na.
Tama ‘yun.
Pero ang tanong ay ilan dapat.
Sapat na ba ang nasa 45,000?
Tama ba ang Grab na imungkahi na 75,000 dapat?
Matinding pag-aaral ang kailangan dito.
Dahil nga sa walang limit dati ay marami ang nakakita ng oportunidad na hanapbuhay sa TNVS.
Nag-invest na sila ng pera nila. (ITUTULOY) SIBOL/ATTY. ARIEL ENRILE-INTON
