Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

ETSAS AT BASURA SA BORACAY

$
0
0

GUSTO mo bang mag-swimming sa isang tourist spot na puro dumi ng tao ang iyong malalanguyan?

Kung hindi naman ay pawang mga dumi mula sa kusina at puro mga basura ang iyong mabubungaran?

Eh, paano rin kung ang halimuyak ng hangin ay amoy-basura?

Sa mga ulat na dumarating sa atin, ang Boracay ang meron nito. Ilan umano sa mga labasan ng sewerage o poso negro ay diretso sa mga dalampasigan.

Ang poso negro o sewerage ay naglalaman ng mga dumi ng tao at dumi mula sa mga kusina. Mayroon ding galing sa mga labahan at iba pang panlinis.

Kaya naman, hindi lang dumi ng tao at basura ang nasa dalampasigan kundi mga kemikal na mapanira sa kalusugan ng tao at kapaligiran.

Hindi na rin umano maganda ang hangin sa malapit sa malaking basurahan dahil sa hindi maayos na pag-manage dito.

Alam naman ninyo ang amoy-basura mula sa mga garbage truck, lalo na ang mga para sa nabubulok. At lalong alam ninyo ang amoy ng tambakan ng basura.

Maging ang mga nagtatayo ng mga bahay o kubo ay hindi maaayos ang mga poso negro at marami umano sa mga ito ang basta na lang itinututok sa mga drainage system.

Eh, ano pa ang maaasahan mo kundi ang amoy-poso negro habang namamasyal at nagliliwaliw ka.

Ngayon ay nadiskubre ang lahat ng ito ng mga awtoridad na galing sa ibang lugar, lalo na ang Department of Tourism at Department of environment and Natural Resources.

Nataranta ang lahat nangg mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nag-utos na imbestigahan ang Boracay.

O kung hindi naman ay ipasasara ito sa matagal na panahon hangga’t hindi naaayos ang mga problema sa basura at poso negro.

Ngayon ay may mungkahi nang ideklara ang state of emergency para sa buong Boracay upang magamit ang mga pondo ng pamahalaan para ayusin ang problema.

Para sa anim na buwan umano ang state of emergency. Ang kritikal ay kung totohanin ni Pang. Digong ang banta nitong ipasasara ang Boracay.

Nagsimula na kasi ang pamamasyal ng mga lokal at dayuhang turista sa lugar. At tiyak na mapipinsala ang mga negosyo rito.

Heto ang mungkahi natin. Kayong mga taga-Boracay, makinig kayo sa salita ng Pangulo ukol sa kalinisan.Para sa inyo naman ‘yan.

Dapat na ayusin ninyo ang lugar ninyo at hindi maging tambakan ng basura at dumi ng tao na nakasisira sa kalusugan, kapaligiran at mismong ang inyong imahe at programa ng gobyerno sa turismo.

Kalinisan lang ‘yan at naniniwala akong magagawan ninyo ng paraan ‘yan.

Huwag ninyong hayaan na lilitaw pa ang ibang seryosong problema riyan gaya ng prostitusyon at pagdami ng mga may sexually transmitted disease. PAKUROT/LEA BOTONES


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Love Quotes Tagalog


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>