Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

KUWAIT DEPLOYMENT ITIGIL NA

$
0
0

NALINGID sa kaalaman ng publiko sa nakaraang ilang taon ang kalunos-lunos na kapalaran na sinapit ng marami nating kababayang overseas Filipino worker (OFW) sa bansang Kuwait.

Bakit tila inilihim ang trahedyang ito ng mga opisyal ng Kagawaran sa Paggawa na nakatalaga sa naturang bansa at hindi ginawan ng karampatang aksyon ang dagsa ng mga pagpatay at pagmamalupit sa OFWs sa kamay ng kanilang Kuwaiti employers?

Nabulgar lamang sa pagdinig ng Senado ang mahigit sandaang kaso ng pagkamatay ng mga OFW na bunsod ng walang awang pagpatay, panggagahasa at pagmamaltrato.

Lumitaw na matagal na o ilang taon nang nangyayari ang mga kalupitan na ito ngunit hindi nasisiwalat.

Dahil diyan ay kinakatigan ko ang desisyon ni Pangulong Duterte na ipatigil na muna ang pagbibiyahe ng mga Pinoy na manggagawa sa Kuwait hangga’t hindi nabibigyan ng hustisya o liwanag ang mga kasong ito.

Mistulang mga “alipin” na walang karapatang-pantao ang mga OFW sa ginagawang pagtrato sa kanila ng Kuwaitis bagaman hindi lahat ng employers ay ganoon.

Alam ko na may mga tutol sa total ban ng deployment ng OFWs sa naturang bansa ngunit dapat bigyan natin ng pagkakataon ang mga kinauukulan na magsagawa ng imbestigasyon para maipaglaban ang OFW rights.

Isipin n’yo na lang, ngakngak nang ngakngak ang ilang grupo sa pagsalba sa ilang kababayan nating Pinoy na sangkot sa droga at nakakulong sa ibang bansa.

Okey lang ‘yan, tulungan sila.

Ngunit hindi naman tama na ipagwalang-bahala ng kasalukuyang administrasyon ang mga pangyayari at kalakaran sa Kuwait.

Isipin nyo, may mga OFW na nawala na parang bula.

Kamakailan ay may nakitang bangkay ng OFW na si Joanna Demafiliz na nakalagak sa freezer ng halos isang taon matapos paslangin ng mag-asawang amo nito.

Kung magiging malambot ang ating pamahalaan ukol dito tulad ng dating mga nakaupo, lalo pang darami ang mapapahamak na Pinoy sa impiyernong Kuwait na ito. DEADSHOT/ERWIN TULFO


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>