NAKALULUNGKOT na isipin na may isa na naman tayong kababayang Overseas Filipino Worker (OFW) na sinasabi nating mga “Bayaning Buhay” ang pinatay sa bugbog bago inilagay sa freezer ng among mag-asawang Syrian at Lebanese sa Kuwait.
Si Joanna Demafelis ang biktima.
Barbaric at hindi makatao ang ginawang pagpatay ng mag-asawa kay Demafelis. Tila hindi man lamang binigyan ng pagkakataon ng putaa…..ng mag-asawang ito na makapagpaliwanag sa kanila kung may nagawa ngang kasalanan ang nasabing OFW.
Bakit ganito ang mga nangyayari sa mga kababayan nating OFW? Palagi na lamang na kung hindi inaabuso nang sexual ay minamatrato, ipinakukulong o pinapatay ng kanilang mga employer.
Kailan kaya matitigil ang mga ganitong karahasan na ginagawa sa mga OFW natin at kailan din magigising ang mga nasa gobyerno para “from time to time” ay doblehin ang pagtse-check sa kalagayan ng mga worker, partikular na sa Middle East at Arab countries at hindi ‘yung kung sino-sino ang sinisisi ng mga ito?
Eh, ang masama pa rito, kung kailan may mga nangyari na sa mga OFW natin ay saka pa lang natatarantang kumilos ang mga ito at kanya-kanyang mga kaepalan ang mga pinaggagawa para malusutan lang ang nasabing kapalpakan ng gobyerno.
Nagtuturuan ang mga ito kung sino-sino ang mga may sala kaya pati ang recruitment agencies ng mga OFW ay idinaramay na rin nila sa kaso na kung tutuusin ay wala namang kinalaman. Naghahanapbuhay lamang sila.
Sino ba talaga ang dapat na managot sa kaso kung may mga pinapatay, inaabuso, minamaltrato o pinakukulong na OFW ng mga employer sa ibayong dagat?
Hindi naman siguro pupuwedeng ang mga recruitment agency at recruiter ang pagbuntunan ng sisi ng gobyerno para managot sa kasalanan na hindi nila ginagawa?
Ilan pa bang Presidente gaya ni Pang. Rodrigo Duterte, ang kailangan ng Pilipinas para maipakita natin sa buong mundo na kaya nating “i-ban” ang pagpapadala ng mga OFW sa mga bansa gaya ng Kuwait, Syria, Lebanon at iba pa para maipakita natin sa buong mundo na kaya nating mabuhay kahit wala sila!
PAYOLA BA ANG DAHILAN TINYENTE?
Malakas ang pwesto pijo ng drop ball, color game at pula-puti sa Mabini, Batangas pero nakapagtataka kung bakit hindi hinuhuli ito ni Mabini COP P/Insp. Randy Aquino.
Eh, hindi ko lang alam kung may tinatanggap itong si tinyente.
Dapat ay kumilos dito si R4-A RD Gen. Ma .O. Aplasca dahil karangalan at pangalan niya ang nakabuyangyang dito.
oOo
Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog @yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA