Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

SSS AlkanSSSya PROGRAM

$
0
0

hilda-online-logoNAKAPANAYAM ng inyong lingkod ang Vice President ng Public Affairs and Special Events Division, si Marissu “Susie” Bugante ang naging espesyal na panauhin ng programa “HEALTH & TRAVEL @ SERBISYO PUBLIKO” sa DWBL 1242kHz at DWSS 1494kHz.

Ang AlkanSSSya Program ay hinango mula sa konsepto ng piggy bank, at ito ay animo malaking cabinet na may ligtas na indibidwal na lalagyan na kung saan ang mga miyembro ay makapaglalagay ng kanilang mga  ipon na siya nilang monthly contribution sa SSS. Ang bawat AlkanSSSya unit ay maaaring makapag-imbak sa kanilang SSS savings ng hanggang 160 na kaanib.

Ang AlkanSSSya members ay maaaring makapag-contribute ng minimum na halagang 312.00 bawat buwan, na halos 10.00 lamang bawat araw. Ayon kay SSS President and Chief Executive Officer Emilio de Quiros, Jr. “Kami ay taos pusong nagpapasalamat sa patuloy na su-porta ng mga informal sector workers sa buong kapuluan sapagkat ang pag-iipon para sa ating mga worker ay mas pinagaan ng SSS dahil sa programa niyang ito”.

Dahil sa pagkakalunsad ng AlkanSSSya program iba’t ibang pinuno at kinatawan ng mga ahensya ang nakiisa rito. Daan-daang garbage pickers mula sa Payatas dumpsite ang umanib sa AlkanSSSya program noong nakaraang Disyembre 3, 2012 bilang resulta sa kapareho ring meeting, na dinaluhan din ni Col. Jameel RM Jaymalin, Director ng Payatas Poverty Alleviation Foundation Inc. (PPAFI).

Ayon pa kay CEO de Qui-ros “Kami ay nagpapasalamat sa Quezon City government sa kanilang suporta sa AlkanSSSya program. Umaa-sa kami na ang AlkanSSSya program ay tatanggapin at tutularan din ng iba pang prisons at correctional facilities sa buong bansa upang makapagbigay ng pag-asa sa buhay ng inmates maging sa mga babae at mga lalaki man.”


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Selos Quotes Tagalog Love Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>