ISA-ISA nang naglalabasan at nabubulgar ang mga bulok at iskandalo ng mga politiko, partikular na ang mga incumbent na konsehal sa ika-5 Distrito ng Lungsod ng Maynila.
Unang pasabog natin ang nangyaring iskandalo con drama sa isang caucus meeting sa 5th District ng Maynila kung saan sa kalagitnaan daw ng caucus ay tumayo ang isang incumbent councilor at pinagmumura ng P.I. ang kapwa konsehal sa harap ng napakaraming tao. Hindi pa raw nasiyahan sa kanyang pagmumura ang konsehal at kumuha pa ito ng baso para ibato sa kapwa konsehal, mabuti na lang at napigilan ito ng ilang kasamahan.
Pinaghihinalaan daw kasi ni konsehal ang kanyang colleague na siyang utak ng paninira sa kanya sa kampanya. Dahil dito ay laking gulat ng mga botanteng naroon dahil kilala raw ang konsehal na ito na sobrang relihiyosa, maka-Diyos, palasimba at madasalin. Nang matapos ang nasabing insidente ay agad naman itong ipinamalita ng isa pang kasamahang incumbent na konsehal sa iba pa nilang mga kasama at ka-tropa ang mga naganap na pangyayari. Tsk…tsk…tsk…. Tsismosong konsehal, pweeeeee.
Pangalawang pasabog, sinasabing may isang incumbent councilor din ang lumutang ngayon sa isyu ng kanyang tiyuhin na nang-molestiya raw ng isang menor de edad na talent. Dinala raw sa sinehan at doon ginawan ng pangmomolestiya ang 15-anyos na dalagita. Ang ginawa raw ni incumbent councilor ay pilit nitong itinago ang isyu at pilit na binabayaran ng P1/2 milyon ang pamilya ng bata upang aregluhin at iatras ang kaso laban sa kanyang tiyuhin.
Kapal din ng mukha ng incumbent councillor na ito, pera ni Juan Dela Cruz pa ang ipinambabayad sa kawalanghiyaan ng kanyang tiyuhin.
Eto ang matindi, may dark side din pala ang isang incumbent councilor ngayon na may “macho image” dahil sa kanyang pagiging tall and handsome . . Homewrecker ? Ito raw ang sinisisi at itinuturong dahilan kung bakit namatay sa sama ng loob ang isang barangay chairman sa kanilang lugar dahil inaaswang daw kasi nitong si alyas “katropa” ang asawa ng barangay chairman. Noong nabubuhay pa raw itong si chairman ay gustong-gusto na raw sumugod sa City Council para suntukin at ibulgar ang ginagawa ni ka-tropang konsehal na sa pagaakala ng lahat ay napakabait at matino, ngunit inabot na ito ng kamatayan dahil sa hinanakit at sama ng loob ni Chairman. Ngayong free as a bird na raw si Katropa at ‘yung misis ng yumaong chairman ay magagawa na nila ang lahat ng gusto nilang gawin.
Ngunit alam kaya ng misis nitong si incumbent councilor ang sikreto ng kanyang asawang may “macho image?.
May bonus info pa. Nag-iiyakan din ang mga businessman na dinorobo ni konsehal. Matapos daw kasing kumuha ng halagang P6.M na reflectorized raincoats at i-deliver sa Coastguard, tinakbuhan na raw ni konsehal ang Intsik na supplier at hindi na binayaran.
Papogi image daw itong si Konsehal sa kanyang pino-portray na “Katropa” at last term na ngayon.
Isa ring incumbent councilor ang kilala dahil sa hindi nagbayad ng mga watcher noong nakaraang halalan. Tinatandaan ito ng mga botante at ingat na raw sila ngayon kay konsehal.
Sa mga negatibong isyu ng mga incumbent councilor na ito sa 5th Dist ng Maynila, karapat-dapat pa ba silang pagkatiwalaan ngayong May 13 election? Tama na, nasubukan na kayo, wala namang nangyari kaya kung puwede ay iba naman baka sakaling magbago.
