Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

CELLPHONE SIGNAL AYUSIN MUNA BAGO ANG LIFETIME MEMBER

$
0
0

LIFETIME cellphone number daw ang importante at hindi na kailangan pang magpalit ng ibang number ang isang cellphone subscriber kung lilipat ng ibang network provider para sa panibagong subscription kung maisasabatas ang nasabing panukala ng Senado.

Katunayan ay inaprubahan ng Senado sa kanilang ikatlo at huling pagbasa sa naturang panukala sa ilalim ng Senate Bill No. 16236 na inakda ni Sen. SherWin Gatchalian na nagtamo ng 20 boto at walang abstention at kumontra sa kanyang panukala.

Kasabay nga nito ay inatasan na ng senador ang lahat ng telecommunication companies na bigyan ng panghabambuhay na mobile number portability (MNP) ang lahat ng mga subscriber ng kanilang kompanya na magsisilbing telepono ng sinoman habambuhay.

‘Ika nga, kahit magpalit ka na ng service provider o nagpalit ka man ng subscription mula sa post-paid or vice versa ay ok lang, ‘di ba?

Maganda, pero sana naman, kung may papasok din lang na bagong service providers sa bansa, nawa’y pagandahin na muna ng mga ito ang kanilang serbisyo para naman ang mga subscriber ay masiyahan at masulitan sa kanilang ibinabayad sa subscription.

Eh, baka kasi ang bagong service provider na ito ay kagaya rin ng Smart at Globe na madalas na walang signal at kailangan pa ng isang subscriber ang maghanap ng lugar na abot ng kanilang mga signal tower o cellsite sa lugar.

Siguro dapat na munang unahing gawin ng mga mambabatas ang tiyakin na magkaroon ng mahusay na serbisyo sa mga signal ng mga cellphone ng bawat mga subscriber ng mga kompanya ng cellphone para naman sa ganu’n ay makapagserbisyo sila nang maayos.

Huwag na muna sanang unahin na makapasok ang mga bagong kompanya hanggang hindi pa nasisiguro ng gobyerno na garantisado ang mga produktong inaalok ng mga ito sa atin.

SI RICO, BOSING NG R4-A, MAGKASUNDO SA TOBATS

Bilib talaga ako sa kamandag nitong video-karera operator na si Rico ng Pililla, Rizal.

Hindi lamang si Batangas Provincial Director Supt. Alden Velvo ang padrino nito kundi maging si R4-A R2 chief Macapas kaya protektado ang kanyang mga makina o VK na prente na rin ng illegal selling ng tobats.

Halos tatlong bayan na ng Region 4-A ang nalatagan ng kanyang mga makina o VK pero nakapagtataka na hindi man lamang ipinahuhuli ng nasabing mga opisyal.

Ito’y sa kabila ng katotohanang source ito ng droga at dahilan ng pagdami ng mga adik at tulak ng tobats sa nasabing rehiyon.

oOo
Anomang puna o reklamo ay i-text sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Best Papa jack Love Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>