Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

NANGANGAMOY DESTAB

$
0
0

TUWING sasapit ang anibersaryo ng EDSA I, hindi nalalayo ang mga suspisyon ng destabilisasyon lalo na’t halata ang mga galaw ng oposisyon. Kaliwa’t kanan ang ginagawang batikos sa nakaupo at kasama na rito ang kampanya sa labas ng bansa.

Sobra na ang pakikialam ng mga international body at mga tinaguriang watchdog sa soberenya ng bansa. Sino ang nang-uurot at mga nasa likod nito? Unang tanong kasi riyan ay kung saan hinuhugot at pinupulot ng mga ahensyang gaya ng Transparency International ang kanilang mga datos.

Siyempre, merong mga binabayarang ahente sa loob ng bansa ang mga ‘yan. Sila ang nagpi-feed ng mga salsanalysis sa kanilang mga international partner. O masasabi rin nating DONOR!

Ilang kudeta at destabilisasyon na rin ang ating nasaksihan noong nagko-cover pa ako sa defense beat. Madali akong makaamoy ng mga kakaibang galaw. Madali tayong makarinig ng mga bulong sa ilalim.

Unang indikasyon diyan ang walang puknat na pagbanat, pagpuna at pagpapakalat ng disimpormasyon laban sa nakaupong administrasyon. Tandaan po ninyo, malalim ang ugat ng katarantaduhan sa ating bansa. Malawak ang galamay ng mga kalaban ng pagbabago. ‘Yung mga gustong mapanatili ang STATUS QUO o ang sistemang matagal nang nakasanayan.

Pero naniniwala tayong hindi matitinag ang administrasyon ni Pangulong Duterte. Patunay rito ang kanyang mataas na popularidad. Ang patuloy na suporta ng taumbayan sa kasalukuyang administrasyon. Kasama po ako sa naniniwalang ang mga pangarap ng bawat Filipino ay ang mithiin o aspirasyon ng Pangulo.

Hindi madali ang landas tungo sa pagbabago. Ito ay masalimuot at delikado. Gayunman, damang-dama sa Pangulo ang kanyang masidhing determinasyon na maisakatuparan ang kanyang pangakong magandang buhay para sa bawat isa sa atin.

Kahit ano pang mapanirang report ang ilabas at ipakalat ninoman, mananatiling matatag ang tiwala ng mga Pinoy kay PRRD. Sa kanyang laban sa korapsyon, ilang opisyal na niya ang sinibak! Sa laban sa krimen, siya lang ang lider na may political will na gawin ang nararapat kahit na masakit.

Bilang pangwakas, panawagan na rin po sa lahat na maging mapagmatyag at mapanuri. Magbantay. Hindi matatapos ang banta sa Pangulo hangga’t hindi nagtatagumpay ang kalaban.

Huwag natin silang hayaang magtagumpay!

***
Para sa inyong mga suhestiyon, sumbong at opinyon, mag email.lama g po sa jmsyegco@malacanang.gov.ph. DALA KO EGCO/JOEL SY-EGCO


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Long distances monthsary message tagalog


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>