NGAYON naman ay bigyan natin ng daan sa espasyong ito ang isang liham ng mga deboto ng Lady of Manaoag ukol sa iligal na pasugalan na itinayo sa tapat pa mismo ng sagradong simbahan.
Basahin natin.
Magandang umaga po, Mr. Magalona, isa lang po ako sa mga deboto ng Our Lady Manaoag. Gusto po lang namin sana pabanatan sa inyong malaganap na kolum na Juan De Sabog ng Remate ang isang pasugalan sa tapat mismo ng aming simbahan ng Manaoag.
Bukod sa binastos na po ang tahanan ng “Diyos”, lantaran ding hinahamon ng may-ari ng pasugalan na si alyas Dindo Labasan ang aming alkalde na si Mayor Kim Amador sa inilagay nitong mga pasugalan sa nasabing bayan.
Alam ninyo, Mr. Magalona, nakapangingilabot talaga dahil habang nagmimisa ang aming kura paroko, patuloy naman ang operasyon ng mga pasugalan gaya ng drop balls, color games, roleta, pula’t puti at iba pa ni alyas Dindo.
Mantakin ninyo, dinarayo pa naman ng mga deboto mula sa iba’t ibang karatig lalawigan at lungsod ang Manaoag Church pero sa halip na galangin ang simbahan sa kasagraduhan nito ito ay sugalan ang kanilang ipinaglalagay.
Ang masakit po rito, Sir Magalona, pader lang ang pagitan ng pasugalan mula sa istasyon ng pulisya pero nakapagtataka kung bakit hindi man lamang kumikilos si Manaoag COP P/Insp. Dave Mahilog para paghuhulihin ang mga pasugalan ni Dindo Labasan.
Sana, Mr. Magalona, huwag ninyong tatantanan ang pagbanat sa pasugalang ito hanggang hindi tumitigil ang mga ito gaya ng ginagawa ni Mike Enriquez ng GMA 7 na hindi tinatantanan ang mga salot ng lipunan.
Maraming salamat po. Mabuhay po kayo!
KAWATAN NG LANGIS AT KRUDO, DI HINUHULI NI PD
Sa Bataan, patuloy pa rin daw ang ginagawang pagpa-paihi nitong si Cris Velasco kahit alam niya na mahigpit itong pinagbabawalan dahil lantaran itong economic sabotage.
Walang ginagawa si Bataan PD Supt. Marcelo Dayag kundi ang magkamot lang ng kanyang yagbols. Ni hindi man lang niya mapahuli ang lantarang pagnanakaw ni Cris Velasco sa mga petroleum product sa nasabing lalawigan.
o0o
Anomang puna o reklamo ay i-text sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/ JOHNNY ARASGA