Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

KALIDAD NG EDUKASYON SA MAYNILA BULOK

$
0
0

ANG edukasyon ay ginintuang pamana ng bawat magulang sa kanilang anak, dahilan sa ito ay hindi naisasanla, naibebenta at napapahiram.

Ngunit kung mababa ang kalidad ng edukasyon dahilan lamang sa kagustuhan ng ilang tiwaling opisyal ng pamahalaan na ipasa ang mga estudyante na hindi karapat-dapat para tumaas lang ang bilang ng mga nakapasa ang hahatak sa bagsak at walang kakwenta-kwentang antas ng edukasyon.

Gaya ng sa Lungsod ng Maynila na nabalitaan ng Watering Hole na pilit ipinapasa ang mga estudyante na hindi kwalipikado para masabi lang na marami ang nakapasa sa kanilang hanay.

Ito ay sa kabila na ang estudyante hindi na pumapasok dahil batid nilang ‘di sila papasa sa mga pagsusulit dahil sa lakwatsa.

Ang mabigat nito ay nangangantiyaw pa ang mga estudyanteng pumasa na ‘di na nila kailangang pumasok para makapasa dahil sa awtomatikong ipapasa sila ng guro.

Masakit sa kalooban ng ilang guro ang naririnig nilang kantyaw na ang iba ay ni minsan na  pumasok ngunit nakapasa.

Ibig sabihin ba nito ay nais lamang nilang makuha ang papuri ng Department of Education na sa kanilang lungsod ay mahusay ang pangangalaga sa kanilang estudyante?

O kaya’y maipasa ang budget sa susunod na estudyante.

May sumbong pang ibinagsak na ng guro ang estudyante na hindi pumapasok ngunit napalitan ang grade na ayaw aminin kung sino ang gumawa at sinasabing utos sa itaas.

Dapat siyasating maigi ng DepEd ang mga kaganapang ito at alamin ang mga opisyal na nag-utos sa ganitong gawain na lalong nagpapalubog ng kalidad ng edukasyon ng bansa.

+++

Nais kong papurihan ang magandang performance ng I-ACT sa maganda nitong gawain, lalo na ang paglaban sa mga kolorum, bulok at mausok na sasakyan. Ito ay nagresulta ng pagkatakot sa mga operator at driver sa dala nilang sasakyan na ang pangu nahin namang nakikinabang ay ang mga pasahero.

Bagama’t mapait ang negatibong resulta na siyang nagpahirap naman sa pagsakay dahian sa malaking kabawasan sa mga sasakyan, nalulutas naman ito ng pag-ayuda ng mga sasakyang mula sa Local Government Units, kabilang na ang MMDA at Armed Forces of the Philippines na nagbibigay ng libreng sakay sa mga stranded.

Keep up the good work!
+++
Acts 2:21. And everyone who calls on the name of the Lord will be saved. WATERING HOLE/SAMMY MARTIN


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Inggit Quotes and Kabit Quotes – Tagalog Patama Quotes


Love Quotes Tagalog


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Broken Heart Quotes


Re: lwIP PIC32 port - new title : CycloneTCP a new open source stack for...


Vimeo 3.19.0 by Vimeo Inc


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.5.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


PreSonus FireBox - handly interfaccia


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Top 10 Best Tagalog Friendship Quotes and Sayings | mrbolero


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 11.5.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>