Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

SMARTMATIC ITINURO SA DAYAAN SA ELEKSYON

$
0
0

MAHIGIT isang taon na lang, eleksyon na, saka naman isiniwalat ni Senador Vicente Sotto III na may dayaang naganap noong eleksyong 2016.

Hay naku, Sotto parang nitong 2016 lang nagkaroon ng dayaan sa eleksyon.

Senador Sotto, hindi ka pa ipinapanganak, talamak na ang dayaan at bilihan ng boto tuwing halalan sa ating mahal na Pilipinas.

Buweno, sa kaso ng halalang 2016, mayroon daw mga kandidato sa pagka-senador ang walang nakuhang boto sa ilang lalawigan, sabi ni Sotto.

Idiniin ni Sotto na mayroong naganap na maagang pagpapadala ng bilang ng mga boto at may dayuhang kompanya na mayroong “access” sa election servers ng Commission on Election.

Ipinaalala pa ng senador na malaking problema itong dayaan sa halalan, lalo pa’t mayroong mga isyu laban sa Smartmatic na hindi pa nareresolbahan.

Hindi na bago ang balita tungkol sa dayaan sa halalan kung saang nabanggit ang Smartmatic.

Hindi lang itong halalang 2016 ang inakusahang nagkaroon ng dayaan, kundi maging ang eleksyon noong 2010.

Smartmatic ang nasangkot noong 2010, ngunit ipinagpatuloy pa rin ang serbisyo ng Smartmatic noong eleksyong 2016, samantalang hindi pa napapatunayan na wala ngang nagawang krimen ang Smartmatic sa halalan.

Magkakaroon na ng panibagong pagbilang sa ilang lalawigan hinggil sa mga boto kina Bongbong Marcos at Leni Robredo batay sa desisyon ng Korte Suprema na ang layunin ay upang malaman kung sino ang totoong nanalo sa pagiging Ikalawang Pangulo ng Pilipinas.

Ang desisyon ng mataas na korte ay resulta ng protesta ni Marcos sa nasabing korte bilang Presidential Electoral Tribunal.

Naniniwala si Marcos na dinaya siya sa eleksyon, kaya si Robredo ang nanalo.

Ang tanong dito ay kung may kinalaman kaya ang Smartmatic kung bakit may mga lalawigang walang nakuhang boto si Marcos, samantalang kumbinsido ang kampo ng dating senador na balwarte niya ang mga tinutukoy niyang lalawigan.

Habang mabagal na umuusad ang protesta ni Marcos, gusto ni Sotto na imbestigahan ng Senate Electoral Tribunal ang kanyang ibinunyag sa Senado.

Idiniin ng senador na kailangang magkaroon ng malinaw na konklusyon ang SET upang matuldukan ang pagdududa sa eleksyong naging mga senador ang mga taong hindi dapat maging senador.

Layunin din ba ng imbestigasyon na panagutin ang Smartmatic kung nakagawa ito ng krimen noong eleksyon o linisin ang pangalan ng nasabing kontrobersyal na dayuhang kumpanya?

5,000 TRABAHO

Umabot sa kabuuang 5,000 trabaho ang inialok ng mga kompanya sa mga walang trabaho sa Lungsod ng Caloocan nitong dalawang magkasunod na Mega Job Fair ng administrasyon ni Mayor Oscar Malapitan.

Noong Pebrero 20, 2018 umabot sa 2,000 trabaho ang inaalok sa Mega job Fair at 3,000 naman nitong Marso 8.

Kaya naman natuwa ang mga residente ng lungsod, sapagkat patuloy na pinatutunayan ni Mayor Malapitan ang kanyang malasakit sa kanila.

Ang Mega Job Fair ay isa sa mga pangunahing proyekto ng Malapitan administration simula nang maging alkalde siya ng lungsod noong Hunyo 2013. BADILLA NGAYON/ NELSON BADILLA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Lagarto para colorear


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>